Llana's point of view
The truth behind the past
"Nagulat ba kayo?" a woman's voice echoed using the microphone on the stage.
I was stunned on my place, trying to recognize the woman in front who's covering half of her face.
Pinakatitigan ko siyang mabuti at hindi ko maiwasang ikumpara siya sa nag-iisang babaeng alam kong kilala ko. Nagtagal ang aking mga mata sa kaniya at nagulat ako nang tumama ang kaniyang mga mata sa akin. Sandali niya akong pinakatitigan at nagulat ako ng ginawaran niya ako ng isang napakatamis na ngiti.
"M-mom," my lips were trembling and my heart keeps beating like a thunder.
She smiled at me for pete's sake and I know exactly how my mother did that when she's watching me.
And damn!
Ang kaniyang mga mata, ang kaniyang ilong at ang kaniyang mapupulang mga labi. Lahat sa kaniya at napakapamilyar. Lalo na ang kaniyang boses.
She laughed devilishly, "Hindi niyo ba ako nakikilala? she asked all of us. "O baka naman gusto niyo munang alisin ko ang maskara sa mukha ko, just for confirmation, hm." she smirked evilly.
I closed my eyes and let a long heavy sigh.
Pagmulat ng aking mga mata, tinitigan ko siyang muli.
This isn't a hallucination, but a reality. I can't be mistaken, pero hindi ko rin kayang paniwalaan ang sariling nakikita ng aking mga mata.
Her eyes darted on me, again. At halos magwala ang puso ko sa magkahalong mga emosyon.
Maya-maya, unti-unti na niyang inalis ang nakatakip sa kaniyang mukha at halos tumigil ang mundo ko nang makumpirma ang hinala ko.
"M-mom." bulong ko.
May luhang pumatak mula sa aking mga mata at parang gusto kong takbuhin ang agwat naming dalawa subalit natatakot akong baka sa paglapit ko, maglaho siya. Natatakot ako na baka isang parte lamang ito ng panaginip.
Pero nang mas lumakas ang mga bulungan, mas nakumpirma ko na siya nga ang babae sa itaas ng stage.
And damn, she's amazingly beautiful in her silver long gown. Hindi na kailangan ng iba pang palamuti sa katawan, hindi na rin kailangan ng makapal na make-up sa mukha dahil sadyang natural ang kaniyang ganda.
Mapula ang kaniyang mga labi at sa kaunting galaw lamang nito, ipinapakita nito kung gaano siya kamakamandag na tao.
"S-she's alive?" hindi makapaniwalang saad ni Katana, as if she knows about my mother.
O baka sa dami ng itinatago niya, hindi ko alam na pati family background ko inaalam niya.
Mas lumakas nang lumakas pa ang bulungan ng mga bisita habang ang tunay kong ina ay palapit nang palapit sa...aming direksyon?
So, ako nga talaga ang nginingitian niya kanina pa.
Napatingin ako sa paligid.
Si Nathaniel, diretso lamang ang titig sa aking ina pati na rin ang kaniyang ama subalit, ang kaniyang ina ay may gulat, takot at galit na makikita sa mga mata.
You hate my mother, huh. All of you didn't really moved on. Hanggang ngayon sa pagbabalik ng mommy ko masama pa rin ang tingin niyo sa kaniya.
Hindi ko namalayan, narating na pala niya ang direksyon ko. Nagulat ako nang makita ko siyang tinititigan ako na parang sabik na sabik siya sa presensiya ko.
"My baby," she said with her sparkling eyes.
Para akong nasa isang panaginip. Napapako ako sa kinatatayuan ko at parang hindi makapaniwala sa mga nakikita.