Llana's point of viewDate
The next morning, I woke up with the ray of sunlight creeping behind the slighty opened curtain.
Kinusot-kusot ko ang aking parehong mata at tsaka marahang umahon mula sa malambot na kama. At saktong pag-angat ko ay ang pagtunog ng cellphone ko.
I opened it and saw a short sweet message from him.
From: Nate
Wake up sleepy head. We're getting late for our special date.
Napatingin tuloy ako sa orasan at nakitang alas nuebe na pala ng umaga. I slept late last night kaya siguro ako tinanghali. Bakit hindi ako tatanghaliin eh ayaw akong pakawalan kagabi ng lalaking iyon. He talks a lot. Kung ano-ano na lamang ang itinatanong at ikinukuwento para lang hindi ko alisan. But honestly, gusto ko iyon. Having late night conversation with him brings me into another world. Parang kami lang ang tao sa mundo. Kahit na ang totoo, maaari kaming makita ng kaniyang ina at ama.
I was about to type a response for him but my phone beeped again.
From: Nate
I'm only giving you a thirty minutes to prepare. Sa loob ng kalahating oras at wala ka pa sa paningin ko, papasukin ko ang kuwarto mo. ;)
Jesus! Halos hindi ko na alam kung anong uunahin ko dahil sa banta niya. Knowing him, he's true with his words. Baka pasukin nga ako rito at maabutan pa kami ng kung sino.
Hindi ko na rin nagawang magsend ng response sa kaniya sa pagmamadali ko. Hello! Kulang kaya ang kalahating oras para sa aayos ko. Mahirap maging babae ano.
Kaya naman wala pang limang minuto ang lumilipas sa oras na binigay niya ay may kumakatok na sa pintuan ng aking silid.
"Can't wait, huh." I whispered and hide a smile on my reflection.
Nakangiti kong binuksan ang pintuan subalit nang makita kung sino ang naroon, agad nanginig ang aking mga tuhod at unti-unting napawi ang ngiti sa aking mga labi.
"Para kang nakakita ng multo, iha." Tita Brianna commented. "May problema ba, naistorbo ba kita? I just want to invite you for breakfast. Umalis kasi sandali ang tito mo, so yayayain sana kita para naman may kasabay ako," she smiled genuinely.
"U-uh, pasensya na po, tita-"
"Hahaha. I understand, darling. Sinubukan ko lang naman at baka gusto niyo akong sabayan kumain bago kayo umalis. But it's okay, darling." she said, hindi napapawi ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Tipid akong napangiti. Nananatiling blangko sa maaaring nalalaman ng kaniyang ina.
"Did he confessed to his mother already?" I slighty thought.
Pero imposible. Hindi ganitong reaksyon ang ibibigay ng kaniyang ina o ng kahit na sinong ina kapag nalaman na ang kaniyang anak ay nanliligaw sa kadugong itinuturing nila.
"Saan ba ang punta niyo ni Nathaniel? It looks like a date, huh. Bihis na bihis kayo pareho." biro pa nito.
Nag-init ang pisngi ko. Halos buong mukha ko. Siguro ngayo'y pulang-pula na ako. I'm not sure if she knew about us or she's just trying to bluff a joke.
"U-uh, tita-"
"Haha. I'm just teasing you, darling."
Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyang umalis si tita Brianna. Isasara ko sanang muli ang pinto ng aking silid ng may isang brasong humarang rito.
"H-hindi pa ako tapos, sorry." I apologized without looking at him.
"I know." he said in a serious tone.