Forty seven.

6 0 0
                                    

Llana's point of view

Change

Tama nga sila, when you love someone more than they deserve, surely they will hurt you more than you deserve.

Isang pinakamasakit na parte sa pag-ibig ay ang tuluyang pagsuko. Hindi dahil sa hindi mo na siya mahal at hindi mo siya kayang ipaglaban kundi dahil alam mong nag-iisa ka na lang sa isang laban na dapat pareho niyong nilalabanan,

Paano ako lalaban kung nakikita ko na siyang masaya sa iba? Paano ako kakapit kung ang taong kinakapitan ko bumitaw na?

Love doesn't mean forcing someone to love you back.

Kahit kailan wala akong ibang hiniling kundi ang makapagpapasaya sa kaniya. And if letting him go would make him happy, even if it hurts i'll set him free.

Ang makita siyang mahimbing ang pagtulog sa piling ng iba'y wala ng mas sasakit pa.

Paulit-ulit pa ring sumasagi sa isipan ko kung gaano sila kahimbing sa pagtulog habang ako, halos mabaliw na sa kakaisip kung saan ba ako nagkulang at nagkamali.

Tanging ang puting makapal na kumot lamang ang bumabalot sa kanilang nasisiguro kong hubad na mga katawan. Gusto ko silang sugurin at saktan, pero para saan pa. Walang magagawa iyon para mabawasan ang sakit na binigay nila.

Gusto ko siyang gisingin at bulyawan;

Dahil ba mas maganda siya?

Dahil ba mas sexy siya?

Dahil ba mas matalino siya?

Dahil ba maraming meron siya na sa akin ay di niya nakikita?

Alin kaya sa mga iyan ang kaniyang dahilan?

I'm craving for his answers, pero hindi ko na kailangan pang alamin. Sapat ng sagot ang aking mga nakita.

Nanlalabo ang aking mga mata habang naglalakad patungo sa may sala. Habang umiiyak, nahagip ng aking mga mata ang aming mga masasayang alaala, alaala na tanging sa larawan na lamang ngayon makikita.

I cried more while holding our picture frames.

Niyakap ko ang isa naming larawan. Larawan namin nang ibigay niya sa akin ang isang singsing sa hospital. Sandali ko itong dinama sa huling pagkakataong makikita ko ito.

He was once a dream of mine who turned into a reality. But from now on he will be just a memory.

Humikbi ako at pinakatitigang mabuti ang singsing na suot bago tuluyang inalis sa aking daliri at tsaka marahang inilapag katabi ng aming larawan.

Starting this day, palalayain na kita at ipauubaya sa kung kanino ka mas sasaya. It's hard but, I'm letting you go. Ito na ang pinakamasakit na parte sa istorya natin, ito na ang noon ko pang kinatatakutang mangyari, pero para sa ikasasaya mo gagawin ko.

You will always have a special part in my life, Nate. At sana alam mo rin na ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Ngayon, hindi ka na mahihirapan pang pumili sa aming dalawa dahil ako na mismo ang lalayo para sa inyo. Simula ngayon, mas magiging malaya na kayong dalawa at mas sasaya sa piling ng iba.

I locked his unit and left.

Pagbaba ko sa parking area ay nakaabang na ang aking kasama.

Bumaling siya sa akin na nag-aalala, "Ana, anong nangyari? Sinaktan ka ba niya?" she panicked, "Gago talaga ang lalaking 'yon. Nasa dugo talaga ng mga Valdimore ang pagiging demonyo." galit na galit niyang saad.

I held her hand and smiled.

"Okay lang po ako," I lied. "Hindi ka ayos. Hindi nagsisinungaling ang mga mata, Ana." she replied worriedly.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now