Chapter One

299 29 1
                                    

El's POV


"Nikkon! Pasa! Bilis!"

Sa minutong 'to ay daig pa namin ang tunay na atleta sa larangan ng pagtakbo sapagkat kahanga-hanga naman talaga ang taglay na bilis namin.

Habang binabaybay ang paliko-likong eskinita, Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang tao na sumusunod saamin habang natatarantang inihahanda ang sarili ko sa pagsalo sa bagay na sasalubong saakin...

"Hup!" Usal ko ng muntikan ko itong mabitawan dahil tumama rin sa mukha ko ngunit agad ko din itong nasambot.

"Anak ng! Sa mukha ko pa talaga binato!" Sigaw ko kay Nikkon na agad naman akong nilingon.

Hinawakan ko ng maayos ang bag na binato nya at tinapunan sya ng masamang tingin ngunit nginisihan nya lang ako at nag peace sign pa.

"Tulong!" Agad naman akong napahinto ng narinig ko ang sigaw na iyon.

Habol-habol ang hiningang nagpapaubos ng lakas ko ng dahil sa sobrang layo na ng aming natakbo. Nilungon ko si Nikkon na sobrang gulat at nanlalaki pa ang mga matang nakatingin sa likod ko at naghahabol rin ng hininga. Dahil sa pagtataka ay agad kong nilingon ang nasa likod ko at tumambad saakin si Miles.

"Anak ng timawa naman, oh! Mga parak!" Sigaw ni Nikkon ngunit hindi saakin nakatingin.

Hawak-hawak sa magkabilang braso ng dalawang parak si Miles at nagpupumiglas na makawala sa kanila. Nagkatinginan kami ni Nikkon at agad na tumango sa isa't-isa. Naglalakad kami papunta kay Miles.

"Hoy mga parak! Bitiwan niyo nga yan!" Sigaw niya.

Agad naman nagsilingunan ang dalawang parak saamin.

"Sumuko na kayo mga walang hiya!" Hinihingal na sigaw munit may galit ang tono ng isang parak na may malaking tiyan.

"Ay taray! Walang hiya daw tayo, fren!" Sabi ni nikkon na bumaling pa saakin.

"Oo, narinig ko. Paltik." Sagot kong sigaw sa kanya at biglang akong dinirty finger.

"Itaas niyo ang mga kamay niyo at sumuko na!" Sigaw naman ng isang parak na medyo na may kapayatan.

Itinaas namin ni Nikkon ang mga kamay naming dalawa at agad pinasadahan ko ng tingin si Miles na napansin kong nakaposas na. Tinignan nya rin ako na para bang nagkakaintindihan kami kahit walang salitang namumutawi sa pagitan namin.

"Diyan ka lang! 'Wag mo ng subuking tumakas!"

Sigaw naman ng parak na mataba ang tiyan kay Miles at bumunot ng baril sa tagiliran nya at sabay silang naglakad papunta sa direksyon namin ng dahan-dahan at nakatutok ang dalawang baril saamin.

E, Mga boplaks pala tong mga parak na 'to, e! Iniwan ba naman ng mag-isa si Miles? Edi kumaripas na yun ng takbo! Tsk!

"Iposas mo na ang isang yan!" Sabi naman ni Puncho palito kay bundat na tinuro pa ako.

Ngunit ng naramdaman kong dumampi na ang kamay nya saaking kamay ay agad ko na siyang inunahan. Hinawakan ko ang kamay nya at binaliko iyon patalikod at sabay na sinipa sa likod. Nakita ko kung paano nagslow motion si bundat at pumlakda sa sahig na una ang tiyan. Gusto kong tumawa ngunit agad siyang tumayo para kunin ang baril pero agad ko yung sinapa at punta sa madalim na parte ng eskinita. Bumaling siya saakin na sobrang sama ng mukha, ultimong nakakakita na ako ng usok mula sa ilong at tenga nya!

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon