Chapter 25

81 8 6
                                    

El's POV

Araw ng Lunes.

Nagising ako ng maaga. Kagaya ng karaniwan na gawain ng isang taong gumigising tuwing umaga ay tapos ko na. Naglalakad ako pababa ng hagdan ngunit patuloy pa rin ako sa ang pag-iisip kung ano ang maaari kong lutuin para sa almusal mamaya. Nagtaka akong sumilip sa bintana pagkatapos ko itong buksan dahil madilim pa rin, makapal na hamog sa paligid ang bumungad saakin.

Pumunta na ako sa kusina ng napagkasunduan na ng isip ko ang lulutuing almusal. Dumiretso ako sa ref para kumuha sana ng itlog ng mayroon akong napansin na kapirasong papel na kulay lavander at nakaipit iyon sa magnet. Alam ko na kung sino ang may-ari nito.

Tinanggal ko ang magnet at sinimulang basahin iyon,

Good morning! :)

Kung sino man sainyo ang unang makabasa nito, ay pangalawa kayo sa maganda. Syempre, ako kasi ang una! Hahaha! Anyways, maaga akong umalis ngayon kasi nagbago na ang estratehiya na nakasanayan natin noong bakasyon, e ngayon balik eskwela na kaya kailangan nating mag-adjust. Magtitingin-tingin muna ako sa ibang lugar na pwede nating pagnakawan hahahahahaha!!!

Siraulo ang puchang ina.

Umiling ako ng ilang beses dahil naririnig ko ang boses ni Miles sa isip ko bago magpatuloy sa pagbabasa.

Mahirap ng magnakaw sa Star Mall o sa parking lot ng Mall ngayon dahil bukod sa madalang na ang mga estudyante doon, e mainit ang mga mata saatin ng mga parak. Osiya, Tatawag o magte-text na lang ako para magbalita. Ingat kayo sa lakad niyo!

Ps. 'Wag na kayong magluto ng almusal, nagluto na ako. Kain kayo ng marami mahal ko kayo hahahaha!!!

Pss. I'm so febyolus right this moment!

Psss. Ang ganda ng umaga! Pero mas maganda pa rin ako, e! Bwahaha!

Love, Miles ( ◜‿◝ )♡

Mariin kong nilukot ang papel at mabilis na tinapon sa trash can.

Walang kwenta.

Hindi na ako nagluto dahil nga nakaluto na. Pumunta ako sa mesa inalis ang nakatakip sa pagkain. Mayroong hotdog, bacon, sunny-side-up at pancakes pa.

Mukhang ang aga niya talagang na gising, psh.

Kumuha na lang ako ng plato, kubyertos at baso saka maayos na inilagay iyon sa mesa. Kompleto na ang lahat, yung kakain na lang ang kulang.

Pumunta muna ako sa sala para maglinis habang may natitira pa akong libreng oras.  Hindi ko rin maiwasan tignan ang mga larawan nila Nikkon, Miles at Lincoln sa iba't ibang sukat at laki na picture frame. Sa lahat ng larawan na naka-display sa dingding, lalagyan ng TV at mesa ay malalaki ang mga ngiti ng dalawang magkapatid. Hindi tulad saamin ni Lincoln ay parating walang reaksyon, walang dudang magkapatid talaga kami.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon