Chapter 31

56 9 3
                                    

El's POV

"Anong nangyari sa'yo?" Agad akong napalapit kay Nikkon ng makitang namilipit ito. Hawak-hawak niya ang tiyan, ang pag-awang ng bibig niya at mariin na pagpikit ay ipinapakitang may masakit sa kaniya.

"Ang sakit ang puson ko." Nakagat pa nito ang labi at nanatiling nakapikit.

"Baka dadatnan ka na, Ate." Pagpalagay ni Miles.

"Baka nga," Pagsang-ayon ni Nikkon.

"Tignan mo nga naman, babae ka pala?" Seryosong biro ko at pinasadahan siya ng tingin.

Nagmulat siya ng mata at agad na tumalim iyon. "Lumayo ka nga! Naaalibadbaran ako sa'yo!" Singhal niya. Tatawa-tawa akong nagpatuloy sa panonood.

"Paabot nga Bo," Pinasuyo ko sa kaniya ang
remote control ng TV at agad kong kinuha sa kamay niya.

Inilipat-lipat ko ang chanel at naghahanap ng magandang palabas ng magsalita si Miles.

"Ate El?" Aniya.

Hindi ko siya tinignan. "Hm?"

"Wala ba tayong lakad ngayon?"

"Bakit mo natanong?" Doon ko lang siya nilingon, bahagyang nanlaki ang mata niya ng seryoso ko siyang tinignan.

"W-Wala naman." Nag-iwas ito ng tingin.

"Wala tayong lakad ngayon," anas ko habang pinapaikot-ikot sa kamay ang remote control. "Pahinga muna."

"Sige." Tugon niya at hindi na nagsalita.

"Ano ba! Ang daya mo!"

Napatingin ako sa dalawang bata na naglalaro sa harap ko. Naka-upo sila sa sahig habang naglalaro ng chess.

"Snake and ladder na lang kasi Badong! Hindi ako marunong mag chess!" Nakangusong reklamo ni Bo. Wala sa loob at padabog nitong inilagay ang Pawn sa chess board.

"You told me, you want me to be your friend, right? Then laruin mo ang gusto ko." Parang spoil brat pang sabi ng kapatid ko.

"Nakakainis ka! Ibang laro ng na lang kasi!" Nagmamaktol pa ito.

"I won't." Seryosong umiling ang kapatid ko.

"Gusto mo bang maglaro sa labas? Kasama ang mga tropa ko?" Suhestiyon ni Bo, kuminang pa ang mata nito at umusog upang magdikit sila ni Lincoln.

Sinulyapan ko naman ang kapatid ko sapagkat natigilan ito sa sinabi ni Bo. Sa itsura niya ngayon ay gumagawa na siya ng eksena sa isip niya kapag pumayag siya.

Tumikhim ako, sasabat sa usapan nila.

"Pasensya na Bo, hindi pwede." Sabi ko at naupo rin sa sahig. Sinuklay ko pataas ang buhok at kinua ang Queen at kinain ang pawn ni Lincoln.

"Bakit po?" Nagtaka ito.

"Dito na lang kayo sa bahay. Maglaro na lang kayo ng street fighter." Suhestiyon ko rin upang hindi na nila ma-isip na lumabas.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon