El's POV
Araw ng Miyerkules.
Nagising ako ng mahulog ang isang paa ko sa kama. Tumama pa ang mga daliri ko sa sahig upang mabilis ako napabalikwas sa pagkakahiga at tumalon ng tumalon habang hawak-hawak ang paa.
Napapikit ako sa sakit, ang sarap ng bunggad ng araw ko.
Napaayos ako ng tindig ng mapansin na wala si Nikkon sa kama ko, walang akong maingay na katabi matulog.
Psh, akala ko ba ay dito siya matutulog? Pinagtitripan na naman ako niyon, istorbo talaga kahit kailan. Tsk!
Mabilis na dumapo ang paningin ko sa maliit na wooden cabinet sa tabi ng kama kung saan nakapatong ang kulay itim at maliit na kahon. Naglakad ako papunta doon at naupo sa gilid ng kama. Huminga ako ng malalim at kinuha iyon. Pinamasdan ko ulit ang kahon at kahit hindi ko pa naman nakikita ang nasa loob ay gumapang na kaagad ang kirot sa puso ko.
Binuksan ko ang kahon at muling nasilayan ang alahas na paulit-ulit na nagpapaalala sa kaniya. Napangiti ako ng makita ang nakangiti niyang mga labi sa alahas na iyon, 'yon na ata ang pinakamagandang labi na nakita ko.
Niluma man ang panahon, mabaon man ang mga alala sa limot at mamuhay ng walang bahid ng nakaraan. Palagi kitang maaalala. Hahawakan kita sa tuwing nalulumbay ako habang nakatitig sa alapaap at mga butuin, bubulong ako sa hangin upang maiparating ang mensaheng hindi ko nagawang sabihin. Sa bawat lugar o panibagong mundo na aking tatahakin, ipinapangako kong babaonin ang mga alala't salita mo sa aking paglalakbay at paroroonan.
Patuloy kitang aalahanin, sa tuwing gigising ako ng umaga, sa maulan na takipsilim at huling iisipin bago ipikit ang mga mata sa malamig na gabi.
Sa bawat oras, minuto at segundo ng buhay ko mananatili saakin ang mga bakas mo.
"Wala man lang akong larawan mo," Emosyonal kong sabi habang nakatitig sa hawak kong alahas. "Ngunit, 'wag kang mag-alala, hindi kita kailanman malilimutan." Ngumiti ako ng malungkot.
Naglaho ang mga nasa isip ko at mabilis na humupa ang mabibigat na nararamdaman ng marinig na magring ang aking celpon. Maayos kong ibinalik ang alahas sa maliit na kahon at maingat na ipinasok iyon pinakahuling lalagyan sa aking kabinet.
Dumapa ako at inabot ang celpon sa kama na halos mahulog na. Napasinghap ako ng hangin at nagtaka ng makitang hindi ito nakarehistro ang numero.
Tumikhim ako at kunot noong tumingin sa labas ng bintana. "Hello?"
"Baby!"
Halos mahulog ko na ang aking celpon sa gulat dahil sa lakas ng boses ng taong nasa kabilang linya.
"Sino 'to?" Tanong ko at agad na nagtaka. Paniguradong mali ang numerong natawagan nito.
"Baby! This is me, your baby!" Ang lakas pa rin ng boses niya.
Baby? Nag-aadik ata 'to. Mabilis na kumalabit ang inis sa ulo ko. "Sira ulo ka ba? Wrong number ka!" Inis ko rin pinutol ang tawag.
Ang aga-aga, ang aga rin gumamit ng shabo. Psh, kakaiba na talaga ang modernong panahon.
Muli ay napababa akong ng tingin sapagkat sa pangalawang pagkakataon ay tumatawag na naman 'to.
Mabilis ko itong sinagot upang singhalan ngunit---
"I hate you baby..." Mahinang usal niya at natigilan ako ng mahimigan ang pamilyar nitong tinig.
"D-Diyablo?" Naninigurong tanong ko, napahawak pa ako sa kurtina at piniga piga 'yon.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...