Chapter Three

142 28 5
                                    

Nikkon's POV

llang minuto ang nakalipas ng umalis ang henyong si El ay muling binalot ng katahimikan ang kwartong kinalalagyan ko ngayon.

Tsk! Kwarto pa bang matatawag 'to? E, parang bahay na to ng isang pamilya, e. Pisty!

Nang makita kong umiyak si Miles ay talagang nasaktan ako. Parang tinutusok ang puso ko at kasabay nun ang pagpiga ng paulit-ulit. Halos tumigas rin ang buong katawan ko ng marinig ang mga hikbing ngayon ko na lamang narinig. Sobrang nagulat ako sa eksenang yun. Ilang taon na rin ang nakalilipas ng huli kong masilayan kung paano umiyak si Miles sa isang trahedyang nananatili pa rin nabangungot saakin at lalo na sa kanya. Sariwa pa rin sa ala-ala ko kung paano siya nasaktan noon. Simula noon ay pinangako ko sa sarili ko na habang nabubuhay ako ay handa akong gawin ang lahat para mailayo lang sya sa kapahamakan dahil sya, sya na lang ang meron ako ngayon. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil hindi ko man lang maibigay ang bagay na ninanais nya. Anong klaseng Ate nga ba ako? Gusto kong saktan at sampalin ang sarili ko pero hindi ko ginawa kase masasaktan ang ganda ko. Pero hays! nasaktan talaga ako ng sabihin niya na hindi ko raw siya naiintindihan, pero tinanggap ko yun, e! dahil handa akong maging makasarili mapanatili ko lamang na ligtas sya.

Alam kong napakahigpit kong kapatid at estrikto pero lahat ng iyon ay para sa kaniya...para hindi siya masaktan at mailayo ko sa kapahamakan. Wala na akong hihilingin basta makitang ligtas siya. I'll do everything just to make her safe. Just to make them safe.

Sa gitna ng pagmumuni-muni ko ay nagpasya na akong umakyat. Habang tinutungo ang kwarto ko ay madadaanan ko muna ang silid ng butihin kong kapatid.

Pinakiramdaman ko muna kong gising pa sya, mga ilang segundo ay nagpasya na akong buksan ang pinto at tumambad saakin si Miles na nakabigti at nakalabas pa ang dila. De joke lang! Hahaha! Tumambad saakin ang mahimbing na natutulog na si Miles at namamaga ang mga mata.

Taray ng kapatid ko! Parang kinagat lang ng ipis ang mata, e maganda pa rin! Takpan ko kaya ng unan ang mukha nya ng 'di sya makahinga? Pisty!

Sa inis ay pumasok na lang ako ng kwarto at naligo. Lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin ako makatulog!

Pisty naman! Kung sino man yung umi-isip saken, magpatulog naman kayo!

Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya nagdesisyon na akong wag matulog at hayaan ang sariling mulat hanggang sumapit ang umaga.

Biro lang! Pinilit ko na lang ang sarili kong matulog at nagtalukbong ng kumot.

Haaay...Pisty...


Kinabukasan.

Nagising ako sa umaga na maganda pa ren. Inabot ko ang alarm clock ko sa side table at tinignan kung anong oras na.
Punyemas! 7:30 am na?! Ba't di ka tumunog na pisty ka?!

Dali-dali akong naghilamos at nagsepilyo. Nag isang sulyap pa ako sa salamin at-----

Omg! Ang ganda naman neto!

Pakatapos ng ilang papuri sa sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Sumulyap rin ako sa kwarto ni Miles at walang na ang nuno sa punso. Kaya bumaba na ako ng hagdan at nakita ko si El na may dalang plato at pitchel. Nilagyan niya na rin ng plato sa harap si con-con pati na rin ng ulam at kanin.

"Good morning, Ate Nikkon. You look beautiful in the morning." Si Con-con na magiliw pang bumati saakin.

"Pisty! Bakit sa gabi ba pangit ako?!" Inis rin na sigaw ko sa kanya! Hindi ko alam kong matutuwa ako sa batang to o maiinsulto.

"Oo. Aswang ka kapag gabi, e." Bumira naman ang demonyong si El.

Grr! Nagsisimula na naman sila.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon