El's POV
"Aray!" Mabilis kong inalis ang aking kamay ng mapadikit iyon sa nasusunog na kahoy. Nakagat ko ang sariling labi ng nanatili iyon na mahapdi.
"Somebody help me!"
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid ng marining ang malakas na sigaw na 'yon. Umatras ako at inihanda ang sarili sa pagtalon. Nilampasan ko ang dalawang upuan na tinutupok na ng apoy sa harap ko. Napaubo ako ng malakas ng malanghap ang matapang na usok at amoy ng sunog.
Sinuklay ko ang buhok pataas at pinagpagan ang damit. Sa isip ko ay laking pasasalamat ko ng nakabihis na ako at suot ulit ang dati kong damit. Mahal ang unipormeng iyon, sayang naman kong madudumihan lang.
Naglakad ako ng naglakad sa loob ng Villa De Laz Paz na kanina lang ay ilang beses kong pinuri dahil sa kagandahan at elegante. Ngunit, ngayon ay hindi ko na makilala. Magulo, madumi at nilalamon na ng apoy. Sayang at nakakapanghinayang.
Paulit-ulit kong inaalis ang mga bagay na nakaharang sa daan ko, hindi ko na rin mabilang kong ilang beses na akong nadikitan at napaso simula kanina.
Hindi na nga maganda ang balat ko, bibigyan pa ako ng panibagong peklat. Psh.
Agad akong napalingon ng gumalaw ang isang nakatumbang kabinet na wari ko'y lalagyan ng mga table napkins at ibang utensils. Mabilis akong napaiwas ng may mahulog na tipak ng kahoy mula sa taas malapit saakin.
"Help me!"
Hindi na ako nagdalawang isip na takbohin ang malayong distansya kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
Gulat akong makita ang isang babae na hirap na hirap sa sitwasyon niya. Nakadapa siya at naipit ang kanang binti niya sa kabinet. Ni hindi ko man lang makita ang mukha nito sapagkat natatakpan iyon ng buhok niya. Marungis na rin siya at may mga gasgas sa braso.
Kumunot ang noo ko ng akalain na magaan lang ang kabinet ng subukan ko itong buhatin. Napamura ako ng mapaso na naman ako ng hawakan ko ang parteng bakal sa kabinet ng sinubukan ko ulit itong buhatin sa pangalawang pagkakataon.
"May tao po ba diyan?" Sigaw niya pa at naubo.
Napasinghal ako. Anong klaseng tanong ba yan. "Oo, tao ako." Sabi ko.
"Oh my god! Please, help me!" Isteriko pang dagdag niya.
"Oo, teka at hindi ko mabuhat."
"Oh my god! Oh my god! Oh my god!" Paulit-ulit niya iyon sinabi. Inis ko naman siyang sinulyapan, pinipilit niyang binubuhat ang sarili.
"'Wag kang gumalaw, maiipit ka lalo." Ani ko. Naramdaman kong tumigil siya.
Pinagsisisipa ko ang sirang mesa sa gilid ko para makuha ang magandang kahoy doon upang magamit sa pagbuhat ng kabinet. Nagtagumpay akong hinila ang kahoy na 'yon at mabilis na itinukod iyon sa kabinet kung saan naipit ang binti ng babae.
Habang binibigay ko ang lakas ko sa pagbuhat, kasabay niyon ang pagsigaw ko. Laking pasasalamat ko ng mahagip ng mata ko na tinutulungan niya akong buhatin ang kabinet gamit ang libre nitong kamay.
Nang binuhat ko ulit ang kabinet ay nagkaroon iyon ng magandang espasyo kung kaya't mabilis niyang natanggal ang pagkakaipit ng binti niya doon.
Gulat at napangiwi ako ng dambahin niya ako ng yakap. Napaupo ako sa tiles.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...