El's POV
Star Mall.
"Ano ang una niyong gustong gawin? Manang Esther? Lincoln?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Nasa tapat kami ngayon ng Jollibee at taena ang daming tao!
Linggo kasi El, wag kang bobo.
"Tara sine tayo!" Sabat ni Nikkon!
"'Wag! World of Fun muna tayo!" Si Miles.
"Hindi ko naman kayo tinatanong." Baling ko sa magkapatid.
"Pisty ka!"
"Hehe...Kayo na lang bahala, anak. Kung saan niyo gusto e doon rin ako." Nakangiti pang sabi ni Manang Esther.
"Okay po, manang. Ikaw Lincoln?"
"I want to play!" Napapalakpak pang anas nito.
"Edi mag arcade muna tayo." Sabi ko at tinignan si Manang Esther. "Okay lang po ba sainyo, manang?"
"Oo naman, anak. Ano ka ba. Saan ba iyon?"
"Yeaaaah!!! Sa 2nd floor po, manang!" Parang nanalo sa lotong sabat ni Miles!
"Pa'no ba yan, Ate? Favorite ako ni Ate El. Hahahaha!" Pang-iinis pa ni Miles kay Nikkon.
"Mga pisty kayo!"
"Tsk. Tama na nga yan, tara na."
Naglakad kami papuntang escalator at sumakay. Hawak-hawak ko sa kamay si Lincoln na 'di malaman kung saan una titingin dahil palingon-lingon ito kahit saan. Tinignan ko naman ang dalawang magkapatid, ganoon rin sila. Malilikot ang mga ulo.
Nasa second floor na kami ng biglang ini-angkla ni Nikkon ang kanang kamay nya sa braso ni Manang at nakasunod naman sakanila si Miles habang sumusunod rin kami sa kanila.
Habang papalapit sa World of Fun ay pa sakit ng pa sakit ang ingay nito sa tenga ko. Hindi ko gusto ang ganitong halo-halong ingay. Boses ng tao at makina.
Kunot noo akong naglakad papasok ng WOF at nagsitakbuhan na nga ang magkapatid pati na rin si Lincoln ay humiwalay saakin at sumunod sa kanila.
Pumunta sila sa maliit na stall doon at naglabas ng pera si Nikkon at binigyan sya ng babae ng mga token.
Parang mga batang ngayon lang nakakita ng laruang makina sila Miles at Nikkon. Tawa ng tawa si Lincoln at Miles ng hindi makuha ni Nikkon yung teddy bear!
Banas na banas si Nikkon at pinagpupokpok ang kambyo nito at mga pindutan.
"Manang, gusto niyo po bang maglaro?"
"Oo naman." Nakangiti pa itong saakin.
"Okay po. Magpapalit lang ako ng token."
Pumunta ako ng stall at nagpalit ng token. Agad akong pumunta kay Manang Esther.
"Saan niyo po gustong maglaro?"
Nagtingin-tingin sya at may itinuro.
"Dito. Hehe."
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...