Chapter 21

96 15 0
                                    

El's POV

Cinema.

"Ate, ano ba! Bilisan mo ngang maglakad!" Inis na singhal ni Miles sa nakakatandang kapatid.

Naglalakad kami paakyat ng hagdan dahil okupado na ang lahat ng upuan sa parteng ibaba ng sinehan.

Bakit ba gusto nilang ma-upo sa unahan? Ang sakit kaya sa mata ng screen. Tsk.
Kahit nga malayo-layo na yung nalalakad namin e parang mapupunit yung mata ko sa tuwing mapapatingin ako sa screen.

"Tumahimik ka nga! Nakita mo ng naghahanap ako ng mauupuan natin, e!" Si Nikkon at mataray na hinarap ang nakakabatang kapatid.

Nasa unahan namin sila Miles at Nikkon habang nasa likod nila kami nila Manang Esther at Lincoln. Abala sila sa paghahanap ng bakanteng upuan para saamin. Napakahirap para saakin ang aninagin kung saan pa ba ng parte ng sinehan na 'to ang may bakante pang upuan dahil sa dami rin ng taong nakatayo at naghahanap rin ng kanilang mauupuan.

Masiyadong malaki ang sinehan na 'to at malamang sa malamang ay madami rin ditong upuan pero ewan ko ba kung bakit parang wala na akong nakikitang bakante.

Sana pala nagdala na lang kami ng upuan. Buset na sinehan 'to.

Naiinis na ako kahit na alam kung kakapasok palang namin kanina dito ay para saakin ay ilang oras na akong nakatayo at humahagilap.

"Ay, ayun!" Biglang sigaw ni Nikkon sa gitna ng pagmamaktol ko at bigay na bigay pa sa pagturo doon sa kaliwang parte ng sinehan.

Sinundan ko naman yung tinuturo niya pero hindi ko makitang may upuan pa doon dahil may mga taong dumadaan. Hanggang sa ilang segundo ang lumipas ay naaninag ko na nga ang upuan-- madameng upuan.

Anak ng. Pasalamat na lang talaga ako dahil may sa haling kwago itong si Nikkon.. kahit hindi galawin yung mga paa e kita niya pa rin lahat.

360 degrees pa kung magrotate yung ulo niya.

Nagsimula ng mawala ang mga ilaw sa bawat kanto ng sinehan at hudyat lamang ito na mag u-umpisa na ang palabas.

Mabilis kaming naglakad papunta doon sa bakanteng upuan. Inalalayan naman ng magkapatid si Manang Esther na maupo.

Sa ngayon, Nakaupo si Manang Esther malapit sa aisle at katabi niya naman si Lincoln. Bago pa man ako maupo sa tabi ni Lincoln ay tinignan ko muna ang dalawang magkapatid na nagbabangayan pa kung sino ang tatabi saakin!

Bakit ba ang hilig nilang pag-awayan yung maliliit na bagay katulad ng ganito? Nakakapang-init sila ng dugo. Tsk!

"Ano ba, Ate! Ako nga ang tatabi kay Ate El, e!" Si Miles.

"Wag ka ngang makulit! Ako sabi ang tatabi sa kaniya!"

"Ako nga yung unang nakakuha ng upuan na yan, Ate! Kaya ako ang mauupo!" Si Miles.

"Kahit na mauna ka pa sa lahat ng bagay, ako pa rin ang unang pinanganak!"

Ganiyan na ganiyan si Nikkon kapag may pinag-aawayan o pinag-aagawan silang makapatid. Parati niyang ginagamit ang salitang 'Panganay ako, kaya susunod ka!' Tapos si Miles nakabungasot at hindi maipinta ang mukha sa dahilan na wala itong magagawa kasi nga bunso sya.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon