El's POV
Walang ingay at tanging makina ng kotse lang ang aking naririnig habang binabaybay ang daan pauwi. Naibaba ko ang aking paningin sa palad kong nakapatong sa hita, nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy doon dahil sa kaba.
Sinikap kong ibuga ang malalim na hangin na 'wag makagawa ng tunog. Nakayuko kong nakagat ang aking labi at mariin na napapikit ng maalala ang nangyari kanina.
Agad akong napalingon ng marahas na hinila ni Linus ang kambyo ng kotse at padarag na magneho. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang salubong nitong mga kilay at pagtangis ng bagang.
"D-Diyablo.." Tawag ko, ngunit na bigo akong mapalingon siya. "Linus.." hindi niya pa rin akong pinapansin.
Nasapo ko ang noo at hindi malaman kung ano pa ba ang pwedeng itawag sa kaniya upang mapalingon siya.
"A-Aksidente ang nangyari kanina. M-May mga batang naglalaro ng bola kaya naitulak nila ako at----"
Wala na akong maisip na iba kundi ang ipaliwanag sa kaniya patungkol sa nangyari ngunit hindi ko kayang banggitin si Sigmund at ang nakita niyang sitwasyon namin sa parking lot.
Nagalit si Linus ng madatnan kami sa gano'ng kalagayan. Ilang beses siyang nagmura at mumuntikan ng magwala. Nagpapasalamat ako kay Flynn ng makuha niyang pakalmahin si Linus.
Hindi ko rin alam kung maiinis ako kay Sigmund o ano. Sinabi niyang nagbibiro lang daw siya at walang ibig sabihin para sakaniya ang nangyari.
Alam ni Sigmund at nakita niya ng naglalakad sila Linus at Flynn palapit saamin ngunit dahil sa kagustuhang asarin si Linus ay nagawa niya 'yon saakin.
Paulit-ulit na ipinapaliwanag ni Sigmund kay Linus na binibiro niya lang ito ngunit biningi na ng tuluyan si Linus dahil sa galit.
Kakaibang kaba ang naramdaman ko sa sandaling 'yon sapagkat hindi ko inaasahang gano'n na lang ang magiging epekto niyon kay Linus gayong hindi niya naman akong lubos na kilala o nobya.
Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako na mayroon akong nagawang kasalanan sa kaniya at kailangan kong magpaliwanag. Na alam ko sa sarili kong hindi naman dapat at wala akong nakikitang masama doon sapagkat aksidenteng matatawag 'yon. Puwera lang doon sa parteng sinadya ni Sigmund na hilahin ako palapit sa kaniya kung saan iyon mismo ang masilayan ni Linus.
Nang makita ni Sigmund na masyadong sineryoso ng kaibigan ang biro niya at nabigo sa inaasahan nitong makuhang reaksyon ni Linus ay walang nagawa si Sigmund kundi ang kausapin ang kaibigan sa matinong paraan, lalaki sa lalaki.
Natigil lang sa pag-aalburoto si Linus ng marinig ang mga sinabi ni Sigmund sa kaniya. Nagtaka ako sa kung ano ang sinabi ni Sigmund kay Linus upang kumalma siya ng gano'n kabilis. Hindi ko man nalaman ang pinag-usapan nila, nakahinga na rin ako ng maluwag.
Gayunpaman, ngayon ay pinutak na naman ako ng taong kung bakit ako naman ang hindi pinapansin ni Linus, kesohodang ayos na siya kanina ng magsipaalam ang mga kaibigan niya.
"Linus," nakakailang tawag na ako sa kaniya ngunit umakto siya parating walang naririnig. "Hoy, ano ba?" Pinipigilan ko ang mainis.
Naisuklay ko pataas ang buhok ng masulyapang wala talaga siyang balak na kausapin ako.
"Nagbibiro lang si Sigmund, walang ibig sabihin 'yon." Unti-unti ng lumalabas ang inis ko.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...