Chapter Ten

80 25 5
                                    

Nikkon's POV

Lumipas ang ilang minuto ay puro kain na lang ang inatupag nila sa harap ng mesa. Nakapokus lang sila sa pagkain nila at busy sa pagnguya. Ngunit ako lang ata ang hindi nakatuon sa pagkain ngayon. Panay kasi ang sulyap ko kay El dahil parati akong binabagabag kung sino yung nagbigay ng Cap sa kaniya!

Sobrang kinakati na talaga akong malaman kung sino ang lalaking yun! Hindi na ako mapakali at panay pagpag ang paa ko sa ibaba.

"El, may crush ka na ba?" Wala sa lugar na tanong ko kaya nabilaokan si El ng hard at umubo ng matindi.

"Anong klaseng tanong ba yan!?"

Parang pinagsisihan ko tuloy ang magtanong dahil ang sama-sama ng tingin niya saakin.

"Ah, wala naman. Hahaha! Pero... may crush ka ba ngayon?" Umaasa ako na sasagotin niya ako ng maayos.

"Sira ulo ka ba?" Singhal niya at matalim akong tinignan. Nakita ko pa kung gaano kadiin na ngumuya siya.

"Grabe ka! Para sasagutin ng oo o wala, e!"

"Tigilan mo nga ako." Seryosong sabi niya pa saka uminom siya ng tubig at nagpatuloy sa pagkain.

"Psh! Pero may crush ka nga?" Pangungulit ko pa.

Mas lalo lang tumilim ang paningin niya ng pasadahan ako, hindi ko iyon inalintana.

"Hays...You kow what? Ang sarap sarap kayang magkaroon ng crush tapos kikiligin ka kapag nginitian ka niya at sa tuwing titignan ka niya e para kang nakalutang sa ulap! ganun!" Sabi ko na iniyakap ang mga braso sa katawan at nakatingala na hinihili ang sarili.

"Hindi yan kilig, shabo yan. Nakatira ng shabo kaya lutang." Malumay pang sabi niya habang kinokontra ako.

"Pisty ka talaga kahit kailan, Buraot ka!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

"'Lam mo, Ate?" Singit naman ni Miles at taas kilay akong tinignan.

"Ano?"

"Pumunta ka ng banyo."

"Bakit anong gagawin ko do'n?" Tanong ko habang napapaisip at nagtataka.

"Kunin mo yung Albatross tapos ibalot mo sa aluminum foil saka mo hithitin! Lecheng 'yan! Mas malala ka pa sa bangag!" Sigaw niya at salubong pa ang mga kilay.

"Ha! Anak ka ng animal!" Dinuro ko sa mukha si Miles pero ngumisi lang ito. "Palagi niyo na lang akong pinagkakaisahan!" Huminga ako at nagsalita ulit. "Sabagay...hindi ko kayo masisisi dahil ako lang naman kasi ang pinakamaganda dito!" Matapang na sabi ko.

"Maganda ka talaga," Si El na tinignan naman ako ng seryoso.

"Bangag nga lang!" Dugtong naman ni Miles sa sinabi ni El.

Inangers! Mamatay na ang tumawa!

"HAHAHAHAHA!" Nagtawanan silang lahat. Pati na rin si Con na ngayon ko lang na-appreciate ang presensya.

Please Lord, kunin niyo na sila. I'm begging.

"Hahaha! Ate, Ilan 'to?" Si Miles na ipinakita pa saakin ang dalawang daliri nya.

"Hindi siya lasing, Miles. Bangag nga siya, diba?" Sawsaw rin ni El at nagtawanan na naman sila.

Alam kong ang sama sama na ng itsura ko ngayon dahil sa pangaasar nila saakin. Palagi talaga nila akong pinagkakaisahan, palaging inaasar. Wala man lang akong kakampi dito. Ahuhu!

"Mga damuho talaga kayo e, 'no?!" Asar na asar na talagang sabi ko.

"At least hindi bangag, hahaha!" Si Miles na tumawa pa ng tumawa!

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon