Miles's POV
Napapahiya akong tumingin sa ibang customers na nasa kaliwa namin habang may pilit na ngiti at nag-peace sign. Agad nanlaki ang mga mata ko ng magtama ang paningin namin ni Chinito at ngumiti saakin. Hindi ko maipaliwanag ang kilig na nararamdaman ko ngayon.
My gosh! Kilig to the bones. I'm so febyolus right this moment!
"Taraaay! Mukhang makakabinwit ng Fafa ngayon ang bakla, ah!" Sabat ni Porcia at tinignan pa ako ng mapanuksong tingin.
"A-ano bang sinasabi mo diyan?" Medyo na utal ko pang tanong saka tinignan siya ng nagtataka.
"A-akala mo hindi ko n-nakitang nginitian ka ni Koyang shengket?! U-utal ka p-pa ah?" Anas ni Porcia na sinasadyang mautal para asarin ako.
"Ano?! Guni-guni mo lang yun!" Depensa ko.
"Sows! Walang guni-guni sa babaknitang lumalandi!"
"Sira ulo ka, ah!"
"Charot lang, be! Ang ganda ganda mo talaga noh?! Okray ka! Hahaha!"
"Hahahahaha!" Nagtawanan ulit sila at mas malakas naman ang kay Tep-tep na hinahampas-hampas pa ang mesa.
"Bwesit kayo!" Singhal ko sa kanila at nagbungisngisan lang silang lahat.
This is not febyolus.
Ilang minuto ang lumipas ay may pumasok sa isip ko kaya agad ko iyong itinanong sa kanila...
"Magkaklase kayong tatlo, diba?"
"Oo, pre simula Elementary pa." Si Tep-tep.
"Wow. Pati ngayong High School na kayo?"
"Oo, be. kaya nga simula Elementary pa, diba? Kaya matik ng hanggang High School! Etchuserang to!" Si Porcia na tinarayan pa ako.
Punyeta talaga tong baklang to! Ansarap sarap kausap! You're not feb, sis!
"Langya ka! Kinakausap ng maayos, e!"
"Gaga! E yun nga, magkaklase kami simula Elementary hanggang ngayong High School. Oki na, be?" Si Porcia na nag thumbs up pa.
"Wow that's so febyolus! Ano ginagawa nyo sa school?"
"Edi nag-aaral, be! Ano pa ba?!"
"Nakakabuset kana, ah! Isa na lang bibingo kana!" Asar na sabi ko.
"E, pang boba naman kase be ang tanong mo!"
"Tsk! I mean pag free time niyo, ano madalas niyong gawin?"
"Edi nililibot ang buong campus para makapagharot! Hahaha!" Tawang tawa pang anas ni Porcia.
"Hahaha! Minsan tumatambay rin kami sa batibot, sa pavilion, sa canteen. Minsan sa field pero doon sa part na may mga malalaking puno presko kasi doon at madaming tumatambay lalo na mga chix!" Dagdag ni Tep-tep.
"Minsan nasa classroom lang kami tapos nagrereview para sa quizzes. Nagbabasa-basa ng notes. Nag-aaral kasi akong mabuti." Si Froi na proud na proud pang sinasabi yun
"Aray! Inaano ba kita diyan?!" Binatukan ni Tep-tep ng malakas si Froi kaya kumamot-kamot ito sa ulo at tinignan ng masama si Tep-tep.
"Anong nag-aaral ka ng mabuti?! E, ikaw nga yung mahilig mag-ayang mag-cut ng class at ayain kaming lumabas kahit oras pa ng klase, ulols ka!" Dagdag ni Tep-tep.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...