El's POV
"Ano ba! Hindi ba talaga kayo titigil?!"
Napahinto silang dalawa sa pag pindot sa doorbell at nahihiyang tumingin saakin!
"Si Ate Nikkon kasi, e!"
"Anong ako?! Ikaw yung eksenadora diyan!" Si Nikkon at hinarap ang kapatid.
"Tsk. Ang aga-aga e panira kayo ng araw." Hasik ko.
"Hindi lang araw ang sisirain ko, henyo! Kundi buong buhay mo!" Lumalaki ang matang sigaw saakin.
Hindi ko maatim na tignan si Nikkon kapag naiinis dahil nakakatakot ang mukha niya. Yung mata nya e sobrang laki pa.
"Mukha kang mangkukulam!" Singhal ko sa kanya.
"Hahaha!" Si Miles.
"Anak ng! taranta--"
Hindi niya na tapos ang sasabihin dahil bigla namin narinig ang pag bukas ng gate ni Manang Esther.
"Mga anak!" Masiglang bati nya saamin. maya-maya pa parang natauhan siya at biglang napalitan ang masayang itsura ng nakanguso. "Grabe kayo mga anak... Kay tagal niyong hindi bumisita, ah? Akala ko ay nakalimutan niyo na ako." Malungkot pang saad niya.
"Naku, Manang! Hindi naman po sa ganoon...naging busy lang po sa trabaho pero hindi ibig sabihin niyon ay nakalimutan na namin kayo." Si Nikkon at bahagyang lumapit kay Manang at nag mano.
"Tama po si Ate Nikkon, Manang. Naging busy lang po. Makalimutan ko na lang si Ate Nikkon 'wag lang ikaw Manang." Si Miles at nagmano rin.
"Pisty ka!"
"Kayo talagang mga bata kayo ay napakapilyo...Sapagkat ay hindi ko rin maitatangging natutuwa ako sainyo." Natatawang hinawakan niya ang buhok ng magkapatid at biglang napahinto at napatingin saakin.
"El?" Tawag niya saakin at sabay kaming lumapit ni Con-con sa kaniya saka kami nagmano.
Nakangiti 'to sakin ng sobrang tamis.
Si Manang Esther ang isa sa naging kaibigan namin sa Subdivision ng lumipat kami dito. Last year, nagretiro ito bilang isang guro.
May kaya ito sa buhay pero dahil sa lumaki itong masipag, mulat sa kahirapang buhay niya noon at gusto ang salitang trabaho. Kaya't magpahanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ito bilang care taker ng pinakamalaki at big time na bahay malapit sa bahay niya.
Tinuturing na rin namin siya na parang totoo naming nanay. May edad na sya at mag-isa sa buhay ngunit kahit na ganoon ay nananatili pa rin siyang masaya dahil positibo itong tao, mapagmahal at ubod ng bait pa.
Ngunit sa kabila ng magagandang katangian niya ay hindi ko rin maiwasan ang malungkot at ma-awa sa kanya ng matuklasan naming siya ay isang byuda na. Namatay ang kaniyang pinakamamahal na asawa dahil sa kanser siyam na taon na ang nakararaan. Makalipas naman ang tatlong taon matapos pumanaw ang kaniyang asawa ay sumunod naman ang kaniyang nag-iisang anak na lalaki dahil rin sa malubhang sakit.
Wala na nga ata talaga tayong magagawa kapag sakit na ang kalaban. Kahit na paulit-ulit pa tayong lumuhod sa pagmamakaawa.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...