Chapter 32

76 9 4
                                    

El's POV

"What? Date?" Nagulantang sa narinig si Alipores. Nagtataka ako nitong sinulyapan ng tingin.

"Uh-huh." Nakangising tugon ni Diyablo.

"Another woman, again." Parang nauubusan ng pasensyang sabat ng Anak ng diyos habang diretsong nakakitingin sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin.

"Shut up." Mariing sabi ni Diyablo.

"Make it fast." Makahulugang sabi ng Anak ng diyos at umaktong binubugaw na kami paalis.

Bago siya humakbang palayo saamin ay saka niya inilabas ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang suot nitong alahas sa kanang kamay. Isa yung bracelet na Silver at Black ang kulay.

"Let's go, Sullyvan." Dagdag nito at mabilis na humarap saamin si Alipores.

"Dude, do you have any protection?" Nangangambang tanong niya kay Diyablo. Nangunot ang noo ko, hindi ko siya naintindihan.

Humalakhak si Diyablo. "Don't mind me, I'm an expert." At tinampal ang dibdib, nagyayabang.

"Yeah, fuck you." Pairap pang singhal ni Alipores at mabilis kaming tinalikuran.

"Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin!?" Pagpupumiglas ko. Pilit kong inaalis ang kaliwang kamay ko na mahigpit niyang hinahawakan.

"Just go with me," saad niya at kinaladkad ako na puro tanong sa isip.

Bakit ko ba kasama ang Diyablo na 'to? Bakit niya ba ako gustong isama? Saan ba? Ano bang kailangan niya?

"Get in." Hindi niya ako tinignan at seryosong pinagbuksan ako ng kotse.

"Ano?" Gulat kong tanong.

Umirap ito. "Tsk. Pumasok ka." Pagtatagalog niya.

"Anong akala mo sa'kin hindi nakakaintindi ng ingles?" Salubong ang kilay kong singhal.

"I didn't say that," lumabi ito. Napaiwas ako ng tingin ng lumantad ang pulang labi niya ng gawin 'yon. "Kung ayaw mong pumasok, bubuhatin kita papasok." Rumehistro na naman ang pilyo nitong ngisi.

"Tigilan mo nga ako!" Naiinis ng sabi ko.

"You owe me one thing, remember?" Taas kilay nitong sambit.

"At kailan naman ako nagkautang sa'yo?" Balik tanong ko, agad lumabas ang pagiging mataray ko.

"That when we see each other again, I will not let it pass." Sumandal siya sa kotse niya at hamalukipkip. Nanatiling nakabukas ang pinto ng kotse niya sa pagitan namin.

"'Wag mo nga akong idamay sa pamahiin mo." Mariin kong sabi at agad siyang tinalikuran.

"Hey! Hey! Hey!" Alistong nakahabol ito saakin at humarang na naman sa daan ko.
"Bakit ba nagmamadali ka? Ayaw mo ba akong makasama?" Lumumbay ang mata niya at bahagyang nakalabi. Nagpapaawa.

Itinago ko ang gulat ng lumabas iyon sa bibig niya. Sa pagkakaalam ko kasi ay bilang pa lang sa daliri ng magkita kami pero bakit siya ganito umasta sa harap ko? Na para bang magkakilala na kami? At bakit hindi niya ako nilulubayan? Tsk. Hibang ang puchang ina.

"May usapan ba tayo? At sino naman ang hangal na sasama sa'yo? Hindi kita kilala, okay?" Prangkang sabi ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa asal ko ngunit mabilis niya itong pinagwalang bahala. "Then, I'll let you to know me." Purisigido pang sabi niya at binasa ang labi saka humakbang palapit saakin.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon