Chapter Eleven

84 24 0
                                    

Nikkon's POV

Tumungo kami ng siraulo kong kapatid sa Europhiah Underground.

Nang makakababa ay agad na bumangad saamin sina El at Con sa mesa magharap sila na tila'y mayroong pinaguusapan na mahalaga ng bigla naman akong kinalabit ng mukhang pwet sa gilid.

"Ate, itatanong na ba natin kay Ate El?" Bulong niya pa.

"Oo, pero maghahanap muna tayo ng magandang tiyempo... Alam mo naman ang El, diba? Mas malaki pa ang utak kesa sa bungo. Wala ka pang sinasabi ay alam niya na." Bulong ko naman sa kaniya.

"Sige, Ate. Back-up moko." Bulong niya pa ulit.

"Back-up lang talaga kita kasi ako ang bida at maganda." Bulong ko rin sa kanya at ngumisi.

"Maganda ka talaga Ate... Magandang sampalin!" Medyo malakas na sabi niya sa mukha ko at aambaan ko sana siya ngunit mabilis siyang kumaripas ng takbo papunta kila El at Con.

"What's up, tropapips!" Sigaw ng kapatid ko ng makapunta sa mesa at sabay naman nilingon ng dalawa si Miles. Tanging singhal lang ang iginanti ni El at nginitian naman siya ni Con.

"Here doing you are what?" Malakas na tanong ng kapatid ko at ipinamewang pa ang kanan niyang kamay sa tagiliran.

May sa lahi atang adik tong si Miles.

"Nakaupo. Ano pa nga ba?" Sarkastikong tugon ni El na tumingin muna sa sarili niya pati kay Con-con bago tapunan ng tingin si Miles.

"Yes. Ate El, it's obvious in the gravity of the earth with the magnitude of 6.5 kilometers away from the south Pacific ocean!" Iritadong anas ng kapatid ko.

Gusto kong lumipasay sa sahig kakatawa ngunit alam kong mababadtrip rin saken si El.

Suminghal si El.

"Nagtatanong ako ng maayos dito, sasagutin mo ako ng pambarumbado." Inis rin na singhal ni Miles.

"Kailan pa naging maayos ang tanong na barabaliktad, Miles?"

"M-maayos yun. Hindi ka lang sanay! Okay change topic na hahaha!" Napapahiyang sabi ni Miles at iniba ang daloy ng usapan. Dahil alam niyang hindi siya mananalo sa pakikipagdebatehan kay El.


Naglakad naman ako palapit sa kanila at pinipigilan pa rin ang sariling tumawa. Umupo ako tabi ni Con dahil ayaw kong katabi si El. Tinignan ko muna si Miles bago tumingin kay El saka nagsalita.

"Oh, e ano na? Anong gagawin natin buong araw? Ngumanga na lang at hintayin ang lunes?"

"What do you want to do today, Con-con?" Nakangiting pang tanong ni El kay Con at hindi man lang ako sinagot.

Lupet.

"I want to play outside, Ate El." Masigla naman na tugon sa kanya ni Con.

"Then, let's play." Galak pang dagdag ni El.

"Pisty! E, paano naman yung gusto naming gawin? Sabat ko.

"Edi maglaro rin kayo doon sa play ground."

"Ano? Anong akala mo saamin Ate El, mga bata?!" Sabat ng ulirang kapatid ko.

"Bakit wala naman pinipiling edad ang play ground, ah." Napakainosente niya pang tugon.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon