Nikkon's POV
"Sino ang pinakamaganda sa lahat?"
Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at naglalagay ng lipgloss.
"Edi...Ako malamang! Gahaha!" Sagot ko sa sariling tanong at nagpaulan ng malaloka-lokang tawa saka mabilis na pinasadan ng tingin ang babae na kanina pa tingin ng tingin saakin.
"Oh, e bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?"
Tanong ko sa kanya habang tinaasan ko siya ng kanang kilay at punong puno ng katarayan. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan at lumaki pa ang mga mata na wari ko'y na bigla sa biglaang inasal ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan niya, mukhang hindi nagkakalayo ang edad namin. Naka dress pa ito na kulay krema at desenyong mga bulaklak.
"Ah e... Nababaliw ka na ba, Ate?" nakakunot pa ang mga noo nitong tanong sakin.
"Hindi pa naman pero malapit na..." Anas ko at humakbang ng dahan dahan palapit sa kaniya.
Ano kaya kung pag-tripan ko 'to?
Tinignan ko lang siya ng diretso sa mata at may nakakalokong ngisi ang iginawad ko. Ramdam ko rin kung gaano kabilis nagbago ang kaniyang iniasta sa mismong minutong ito.
Ang dating nakakunot at nagtatakang reaksyon ay napalitan ng pagkabalisa lalo na't ang dalawang pares ng mga mata nito ay napakalikot habang nakatuon saakin. Pinipilit niya rin binabasa ang bawat galaw ko sapagkat alam ko rin na bigo sya dahil sa magaling kong naitatago ang bawat emosyon at mga akto.
Pakiramdam ko e mukhang matatakotin ang babaeng ito.
Idinulog ko ang sariling mukha at tumapat iyon sa mismong pisngi nya.
Huminga ako ng malalim at saka bumulong sa kaniyag tenga."Gusto mo akong makitang mabaliw, hindi ba?" Sinadya ko pang pagas-gasin ang tono ng boses ko para dumagdag iyon sa takot niya.
"A-ano bang g-ginagawa m-mo?!" Humakbang siya palayo saakin. Nanginig ang daliri niya ng itulak ako ng bahagya.
Tumingin ako sa gilid ko kung may ibang tao at mukhang nasa panig ang suwerte ko ngayon dahil kaming dalawa lang ang nandito.
"Sa araw-araw..." Pagsasalita ko ulit. "Iba't-ibang tao ang makakasalamuha mo at lahat sila may suot na maskara..." Lumapit ulit ako sa kaniya at dahan-dahang hinaplos ang kulot nitong buhok. "Yung iba, pinapakitang mabubuti sila, yung iba naman ay may masasamang balak." Tumingin ako sa mga mata niya. "At ako? May dalang kutsilyo upang ipangsaksak sa'yo."
"Waaaaaaaaaaaaa!" Malakas itong tumili sa takot at napa-upo pa.
Lumuhod ako upang magpantay ang paningin namin. Hinaplos ko ulit ang buhok niya.
"T-tumigil ka n-na, please! Enough! Y-you're scaring me!"
Tinulak niya ako saka dinuro pa sa mismong mukha. Sa isip ko ay malulutong namura ang nasabi ko sapagkat hindi ko inaasahang itutulak niya ako ng ganoon upang mapaupo ako sa tiles. Sa pagpiligil ay nanatili akong seryoso.
Mukhang takot na takot talaga siya, gahaha!
"Hindi ako baliw, Binibini...kasi Nananakit ako..." sabi ko pa.
Natigilan siya at mas lalo pang tumigtig saakin. Lumaki pa ang mga mata nito habang nakaawang pa ng konti ang kaniyang ibabang labi.
Gahahaha ang korni nito!
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...