Chapter Seventeen

87 15 0
                                    

El's POV

Araw ng Linggo.

Nagising ako ng ma-aga dahil ako naman talaga ang unang nagigising saaming lahat.

Ewan ko ba sa magkapatid na yan at tanghali na kung gumising. Tsk.


Naglakad ako papunta sa kaliwang parte ng silid ko at kinuha ang pitsel saka naglagay ng tubig sa baso. Mabilis ko iyon nilagok at mabilis na inalog ang ulo ko para mawala ng tuluyan ang antok.

Kinuha ko ang tuwalya at malinis na damit saka mabilis na pumunta sa banyo at naligo..

Ilang minuto ang nakalipas ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto ngunit bahagya akong nagulat ng makita si Con-con na nakapangtulog pa at naglalakad palapit saakin. Kinukusot-kusot pa nito ang mga mata na tila ba'y inaantok pa rin.

Cute.

"It's too early, Con. You should get more sleep."

"I can't, Ate El." Pumipikit-pikit pang tugon niya.

"Why?"

"Because, I'm hungry." Humikab pa.

Sigurado bang gutom sya? Mukhang antok pa 'to, e.

"If that so? C'mon, I'll cook for you." Ngumiti ako sa kanya.

Inalalayan ko siyang bumaba ng hagdan at pumuntang kusina saka ko pinaupo si Con sa harap ng mesa. Kumuha ako ng itlog, hotdog at bacon strips sa ref at saka pina-init ang kawali.

Sumulyap ako kay Con-con dahil nagtaka ako dahil tahimik siya. Wala itong reaskyon at nakahalumbaba lang ito habang pinapanuod lahat ng ginagawa ko.
Ngumiti ako sa kanya at nginitian niya rin ako.

Maya-maya pa...

"You know what, Ate El?" Biglang saad niya.

"Hmm?"

"I miss my Kuya..."

Wala sa oras akong napahinto sa pag-alis ng plastic sa hotdog at mabilis na pinasadahan siya ng tingin.

Nakatingin lang siya sa kawalan at sa itsura niya ngayon, malalaman mo talagang may kulang.

Nanatili lang akong tahimik at nakamasid sa bawat galaw at reaksyon ng mukha niya.

"I dreamed about him last night." Nakangiti pa nitong saad ngunit hindi saakin nakatingin.

"Really? About what?" Pinatunog kong seryoso ang boses ko.

"Yeah. In my dream, we were playing games. He looked so very happy." Nakangiti sa kawalan pa nitong kwento. "He said, i need to take care of you." Dagdag pa nito at tinignan ako ng diretso sa mata.

Agad akong napalunok at nanatiling tahimik dahil hindi ko alam kung paano ba ako magre-reak. Kinakapa-kapa ko pang muli ang sarili ko kung ano ang maaari kong sabihin sapagkat ang minutong ito ay naging nakakailang para saakin. Hindi pa rin maalis yung nakakailang at biglang kaba sa puso ko na sumasabay pa bawat tibok nito. Tinignan ko ang hotdog na tinatanggalan ko ng plastik at napansin na bahagyang nangiginig ang kamay ko.

Hanggang sa wala akong ibang ginagawa kundi ang tignan sya.

"Why are you looking at me like that, Ate El?" Nakangiti at may pagtatakang baling nito saakin.

"Tsk. What a serious moment. Haha." Naiilang pang tukoy ko sa uri ng usapan namin.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya.

"A serious conversation for this early morning? Unsual, isn't it?" Tinignan nya ako.

Englishero rin ang batang 'to. Peste.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon