Chapter 26

92 8 3
                                    

El's POV

"Bilisan mong magbihis," Aniya ko at pumasok sa may dalawang palapag na Coffee Shop. Sumunod naman saakin si Nikkon habang inaayos ang relo niyang natanggal kanina at mabilis na ikinabit iyon sa pulsuhan niya.

Ibinigay ko sa kaniya ang aking backpack.

"Nandiyan yung damit na isusuot mo." Dagdag ko pa.

"Tsh! Para saan ba 'yan?" Ungot niya.

"Props."

"Ha! Ano 'to role play?! Magnanakaw tayo, henyo!" Singhal niya, hindi makapaniwala.

"'Wag ka ng maraming sinasabi pa, magbihis ka na." Matalim ko siyang tinignan, magsisimula na naman itong pa initin ang ulo ko. "Magooder muna ako ng kape, doon tayo sa taas." Turo ko pa sa hagdan papuntang Second floor.

Nakasimangot akong tinignan ni Nikkon saka padabog na umakyat sa hagdan. Nakakatatlong hakbang palang siya ay humarap agad ito saakin at dinilaan pa ako saka nagpatuloy sa paglalakad na may malakas na yabag. Napatingin sa kaniya ang tatlong crews at iilan na customers, napailing na lang ako.

Feel at home ang pucha.

"Hello, Ma'am. Good morning! What's your order?" Bahagya pa akong napalayo sa lakas ng pagkakabati saakin ng isang lalaking barista. Nakangiti ito saakin ng malaki at maaliwas ang mukha, napaiwas ako ng tingin. Sinulyapan ko naman yung babaeng kasama niya sa counter, isang cashier. Nakangiti rin ito saakin.
Tumingin naman ako sa menu sa taas at iniisip kung ano ba ang gusto ni Nikkon na kape.

"Morning. Isang order nga ng Espresso at Cappuccino, at saka isang order rin ng French Macaron at Pancake." Seryoso pang sabi ko at kumuha ng isang libo sa wallet.

"Is that all, Ma'am?" Tanong niya, tumango ako. "Alright. It'll take twenty minutes to prepare, then I'll serve it to your table right away." Saka binigyan niya ako ng isang number na ilalagay sa table.

Kinuha ang sukli at dumiretso na sa second floor ng Coffee Shop.

Hindi katulad ng Coffee&Books Café na gusto ko ng higaan at tulugan dahil sa lambot ng sofa at ilaw mula sa chandelier na parang pinapatulog ako, ang Coffee Shop na ito ay napakasimple lang ngunit maaliwalas. Gawa sa kahoy ang mga upuan gayundin ang mesa, may maliliit na bombilya sa paligid na hindi masakit sa mata at ang nakakaakit sa Coffee Shop na ito ay ang mga nakasabit na larawan sa dingding na wari ko ay personal iyon na kuha ng may-ari ng Shop kung hindi mali ang kutob ko, sapagkat malikhain ang pagkakadesenyo sa loob nito. Gayunpaman, napako ang mata ko sa napakalaking picture frame at may litrato doon ng isang asul na karagatan at maliit na bangka, masiyadong maganda ang pagkakakuha niyon dahil na rin sa epekto ng liwanag galing sa takimsilip. Perpekto.

Naglayag ang paningin ko sa bawat sulok ng Coffe Shop na ito habang hinihintay ang order namin at si Nikkon. Napadalawang lingon pa ako ng lumabas si Nikkon sa restroom ilang dipa mula saakin, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko inakalang babagay ang damit na iyon sa kaniya. Isa yung Semi formal dress at maroon ang kulay, hapit rin ito sa katawan niya. Nakalabas ang kanang balikat niya habang ang kaliwa naman ay natatakpan, lampas tuhod ang dress na iyon at may biyak sa kanang parte ng palda kung kaya't kita ang napakaputing hita niya. Naglagay rin siya ng konting kolerete sa mukha at itinali ng mataas ang namumula-mulang buhok nito. Lahat ng makikita mo sa kaniya ngayon ay pinagmukha siyang isang ganap na dalaga, wala na akong masasabi bukod sa maganda.

"Gahaha!" Tawa niya na parang mangkukulam. Tumayo ito sa harap ko at nagpose na parang modelo.

Yung ganda na naisip ko kanina ay binabawi ko na.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon