Chapter 30

75 10 9
                                    

El's POV

Sa unang linggo ng Junyo ay ang pinakaunang pagkakataon na tinanghali ako ng gising. Bumangon ako sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo, naghilamos na rin ako saka nagsepilyo. Hindi ko na nagawang isabit pa ang tuwalyang ginamit ko ng ibato ko ito sa kung saan saka ako tumalon ulit sa kama.

Nanatili akong nakahiga at nakatitig sa puting kesame. Ginawa ko pang unan ang mga braso at ipinatong ang kaliwang paa sa unan.

Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga ng maalala ang nangyari kahapon, yung tipong umaalab na ang buong katawan ko sa apoy sa sobrang badtrip talaga.

Mga pasaway talaga ang mga tao dito, ang sarap layasan. Tsk.

Napasinghal ako sa isipin at kinuha ang malabot na unan saka iyon niyakap. Napasulyap pa ako sa orasan ng makitang alas nueba na ng umaga.

Sumagi sa isip ko na sa tuwing ganitong oras ay marami na akong nakakagawang kapaki-pakinabang bagay, ngunit heto ako ngayon ni ang humakbang ay hindi ko magawa.

Napangisi ako ng maisip na sa sobrang sipag ko ay dadalawin pa rin pala ako ng katamaran. Nakakapagtaka. Noon pa man ay sinanay ko ang aking sarili na huwag magkakaroon ng bakanteng oras sapagkat bawat minuto saakin ay mahalaga. Hindi ako yung tipo na mauupo lang sa gilid at walang kahit na anong napapagtagumpayan mapaliit o malaking bagay ma pan.


Nahinto ako pagmuni-muni ng makarinig ako ng marahan na katok sa pinto.

"El?" Si Nikkon.

Nagtaka ako sa boses niya, malumanay at hindi naka-volume ng sagad. Himala.

"Gising ka na ba?" Napailing ako, nanatiling ganon ang boses niya. Hindi ako makapaniwala.

"Papasok ako, ha? 'Wag mo akong babatohin ng kahit ano diyan, ha?" Dagdag niya pa na parang napakabait na batang sumusuyo sa magulang.

Tumalikod ako sa pinto at ibinaon ang ulo sa yakap kong unan. Patuloy ko pa rin pinapakiramdaman ang kilos niya ng bumukas ang pinto.

"Oy...El..." Tawag niya, wari ko'y nasa gilid na siya ng kama ko.

Hindi ko siya sinagot.

"Oy...henyo..." tawag niya pa, ramdam kong umupo siya sa gilid ko.

"Oy...arte..." Bahagya niya akong inuga.

Tsk, kakaiba talaga ang bibig nito. Isang tao lang naman ang kausap niya ngunit marami siyang naipapangalan. Baliw ngang talaga.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Aniya. Nakikita ko sa likod ng isip ko ang nakanguso niyang mukha. "Oy, El..." Inuga niya ulit ako.

"Alam kong galit ka..." Sambit niya. "Sorry na.."

Humugot ako ng hininga, pinipilit na 'wag bumigay.

"Yung anak ni Mr. Wenssel..." Pagputol niya, lumuwag ang pagyakap ko sa unan.
"Binastos niya talaga ako..." Nakagat ko ng madiin ang mga ngipin.

Nararamdaman kong magkukwento siya.

"Sa iilang minuto na nakasama ko siya ay nakilala ko agad ang pagkatao niya, hindi man buo ngunit alam kong kongkreto." Bumuntong hininga siya. "At alam kong hindi niya ako tatantanan..."

Nagririnig ko ang pagkutkot niya sa unan ko. Palagi niya 'yon ginagawa pag may bagay na bumabagabag sa isip niya o hindi mapakali sa nangyayari.

"Wala akong maisip na paraan para makaalis sa sitwasyong 'yon kaya tiniis ko muna. Ayokong masira yung plano natin dahil naiintindihan ko kung bakit kailangan nating gawin 'to..."

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon