THE DEPTHS OF YOU"Stop staring at me, will you? I know what were you thinking. You think of me as some person who is wrapped in dreams and fantasies of the world, right? You always portray me like that."
Pinapanood ko siya habang nakaupo ito sa harap ng isang painting na matagal niya ng gustong tapusin. Nandito kami ngayon sa maliit at ngunit maaliwas na bahay na ginawa niya, nasa ilalim ito ng mga malalaking puno at nasa harap ng napakagandang dagat. Parang isang pelikula na nais kong ulit-ulitin at hindi pagsasawaan. Nakasuot ito ng puting damit na may mahabang manggas at isang apron na punong-puno ng mantsa galing sa iba't-ibang kulay ng pintura, ngunit ang tanging kulay lang na aking nakilala ay itim, kulay-abo at asul.
Ang liwanag galing sa araw ng dapit-hapon na pumasok sa bintanang gawa sa kahoy ay perpektong suminag sa mukha niya at nabigyang-diin ang mapanghipnostimo nitong mga mata.Ang mga matang inihalintulad ko sa dagat sapagkat hindi lang iyon malalim, puno rin iyon ng mga pangarap. Ang mga matang inaalis ang kakayahan kong mag-isip at humantong sa hindi mabaling pagtitig. Ang mga matang kinasasabikan kong pagmasdan ako. Abutin man ako ng umaga sa kakatitig sa mga mata niya, gigising ako sa panibagong umaga na nananatili sa paniniwala ko na iyon ang pinakamagandang mga mata na nakita ko sa buong buhay ko.
Malinaw kong nakikita na hawak niya ang buong dagat sa pamamagitan ng kaniyang mga mata---- na lahat ng pangangailangan ko ay sa kaniya ko lamang matatagpuan. At ang kahanga-hanga pang sandali, kahit ang mga maliliit na sulyap at tingin niya ay parang isang tahanan na malugod akong tinatanggap. Ang mga kamay niya na naging tagapagkalinga ko, Ang mainit na bisig niyang umaakap at ipinaparamdam na ligtas ako.
Hindi kita inilalarawan sa isang tao na nakabalot sa mga pangarap; Isa kang buhay na pangarap.
"Hala, Hindi kaya! Pero sabihin mo nga saakin, tungkol saan ba 'to?" Turo ko sa painting niya.
"Oh, it's about oblivion. The girl is sitting alone while watching the sea and remembering her old days." Tumitig siya sa kaniyang painting at maingat na inilagay ang paint brush sa bote.
Huminga siya at mataman na ngumiti.
"But I feel like...oblivion and death are alike, they are forgotten and shake the world of every person around them. Those heartbeats end slowly humming in our ears, fading slowly. Love mends broken heart and soul, but oblivion and death takes all of it."
Namamangha akong pinanood siya habang sinasabi ang lahat ng iyon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakilala ng isang taong alam ang kahulugan ng isang buhay at mga maliliit na bagay sa mundo na akala ko ay hindi na kailaman importante. Sa tuwing kasama ko siya, parati niyang ipinapakita saakin kung gaano kaganda ang buhay, na may mga bagay sa mundong ito na karapatdapat pa rin na ipagpasalamat at ipaglaban. Kahit na matagal na akong sumuko sa paniniwalang iyon.
"Paano kung umalis yung mga taong mahal mo at iniwan ka? Paano kung nakalimutan ka na nila? At hindi ka na nag-eexist pa? Anong gagawin mo?" Mataman ko siyang tinignan, hinihintay ang isasagot niya na nagpapabago ng pananaw ko sa buhay.
"Well, do you like music? A certain movie or a favorite place?" Tanong niya habang matamis na nakangiti saakin.
"Paboritong lugar? Meron, ito..." Nakangiti kong tinuro ang dagat sa harap namin.
"Anything that made an impact to our lives, became memorable. Sometimes, when we listen to a particular song, we remember them. Sometimes, when we watch our favorite movie, we remember every lines in it but eventually we will realize that we are missing the person who was with us while watching that movie. We can't forget the people who makes us happy and free. Even if it hurts and still hurts, we will keep remembering them." Ngumiti siya saakin ng kay tamis, umuusbong ang mga pintig sa puso ko.
"And sometimes, to remember those memories, all we need is to close our eyes and watch the series of flashbacks we have with them. Because memories are not aging nor fading, as long as we are alive, we always make them new." Tumayo siya at lumapit saakin. Inilagay niya ang iilang hibla ng buhok kong naligaw sa likod ng aking tainga.
"So, kailan ka babalik? Para panuorin ang dagat kasama ako?" Tanong ko at pinatitigan ang pinakapaborito kong mga mata sa buong mundo.
Tumitig rin siya sa mga mata ko at dahan dahan akong napapikit ng haplosin niya ang aking pisngi.
"Always." Sagot niya at lahat ng bagay sa paligid ko ay unti-unting naglaho...
Iminulat ko ang aking mga mata at natagpuan ang sariling pinapanood ang napakagandang dagat.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...