Chapter Four

109 25 2
                                    

Nikkon's POV


Ilang minuto ang lumipas ay nakita kong pumara ng Jeep si El at agad naman sumakay doon kaya sumunod na agad ako. Pumwesto ako sa unahang parte ng jeep sa likod mismo ng driver at kung mamalasin sa talaga ay magkaharap pa kami ni El.

"Ineng! Pasuyo naman, dalawa." Ani ng isang ginang na inabutan naman ako ng bente pesos. Nagkatinginan kami ni El at nakuha ko agad ang pinapahiwatig nya.

Yung eye-contact talaga, e. Kahit wala boses e kuha agad.

"Manong, Bayad ko po. Dalawa." Anas ko at hininaan pa ang boses para yung driver lang ang makarinig. Maya-maya pa ay inabot nya na saakin ang sukli at inabot ko naman iyon sa Ginang.

"Salamat, Ineng."

"Salamat rin po."

"Ha?" Naguguluhan pang sambit niya.

Waaah, puchang inangers!

"Ah..eh.. hehe. S-salamat sa Panginoon dahil ng nagpa-ulan sya ng kagandahan ay pinayagan ako ng aking magulang na maligo sa ulan!" Wala sa sarili kong sagot.

Pisty! Rhyming pa! Ang bangis mo talaga Nikkon at sobrang ganda mo pa!

"Hahahahaha!" Nagtawanan ang ibang pasahero sa loob ng jeep. Pilit ko naman silang nginitian at bahagyang kumaway pa.

May naramdaman akong maitim na aura kaya agad akong napalingon kay El na nakatingin rin sakin. Ginantihan niya naman ako ng sunod-sunod na pag-iling na tila ba'y nauubusan na siyang pasenya dahil saakin.

Pinapahamak ka talaga ng bibig mo, Nikkon!

Ilang minuto ang nakalipas ay naaninag ko na ang Mall kaya agad akong dumungaw upang makita ng buo iyon.

"Ah, miss? Ang ulo mo baka mahagip ng sasakyan..." Anas naman ng katabi ko.

"Ay, oo! Hehehe..." Napapahiyang sabi ko at ipinasok ang ulo sa loob ng jeep.

Ano ba, Nikkon! 'Wag kang ngang magpahalatang ignorante, Nikkon!
Stop yourself and stop your mouth!

"Boss! Para sa gilid." Bira naman ng El na pinalaki pa ang boses.

Bumaba kami ng jeep ni El at agad ko namang hinarap sya.

"Tawagan mo nga si Miles kung nasaan siya?" Pang-uutos ko sa kanya.

"May celpon ka rin, diba? Ba't di ka magkusa? Try mo, di naman nakakamatay." Mataray niya pang sabi.

Anak ng pusang gala! Bakit ba sya ganyan? huhuhu!

"Pisty! Edi ako!" Sabay bunot ng celpon sa bag ko at dinial ang number ni Miles.

Habang naghihintay ng sagot ay huminga ako ng malalim at bumira ulit kay El.

"Ba't ba ang sungit-sungit mo ngayon, ha? Isang dilag ka ba ngayon?! Ano may mens ka ba?!" Malakas na sigaw ko sa kanya.

Sumasagad na 'tong El na 'to sa kasungitan, e! Tinuturuan dapat ito ng leksyon!

"Tsk! Manahimik ka nga! Kahit ngayon lang bigyan mo ako ng katahimikan!" Yamot na yamot na sagot nya saken.

Kung patayin na lang kaya kita ng manahimik ka buong buhay?! Pisty!

Magsasalita pa sana pero tumingin na lang ako sa celpon ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay pinatay ulit iyon ni Miles!

Pag nakita talaga kita tatadyakan kita sa noo na damuho ka!

"Ayaw sumagot, e. Laging pinapatay!" Naiinis na ako.

"Ako na nga!" Kinuha niya ang celpon sa bulsa at dinial ang numero ng duwendeng si Miles!

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon