Nikkon's POV
Napakabata ko pa at napakaganda pero dahil sa paulit-ulit na pagpapasaway ni El at sobrang pamimirwesyo niya saakin ay para na akong sesenta anyos na matanda ng dahil sa kaniya! Ramdam na ramdam ko kung paano kumulubot ang balat sa buong katawan ko at pumuti ang mga buhok sa sobrang asar sa kaniya! Hindi ako nakakain ng tanghalian at miryenda ng dahil na naman sa kaniya! Sa sobrang pag-aalala ay hindi ko na maasikaso ang sarili ko!
Ang hilig hilig niyang umalis ng walang pasabi at sumuot sa kung saan saan. Psh!
Okay lang naman kung gagabihin siya ng uwi, pero yung kahit tumawag o mag text man lang ay hindi niya pa magawang magpaalam! Kahit kailan talaga ay napakatamad niya!Kinakabahan ako na baka kung anong mangyari sa kaniya tapos ang pisty na 'yon napapasarap lang pala kakagala sa labas!
Ilang beses niya na itong ginawa at nagtataka na rin ako kung ano ba ang kinagkakaabahalan. Sa tuwing aalis siyang mag-isa ay hindi niya ito sinasabi saamin tapos malalaman ko na lang na may problema na siyang dala o kaya may lalaking kasama katulad nung nakaraang linggo! Sariwa pa talaga sa isip ko ng makitang magkaholding hands sila ni Diyablo ng makita namin ni Miles silang dalawa sa parking lot ng Fort Hepburn University.
Maganda ang mga mata ko at napakalinaw pa sa ganda. Kaya kitang kita ko talaga sila!
Doon pa nga lang ay nagtaka na ako. Paanong maghahawak kamay ang hindi magkakilala? Anong palabas yon? At anong chanel?! Pisty to the forth power!Oo, hindi ako hihinto sa pagsasalita dahil walang kapaguran talaga ang bibig ko at alam ko 'yon. Sa buong mukha ko, bibig ang pinakamaganda saakin at talentado. Kaya kong magsalita ng magsalita may kwenta man o wala, hindi kailangan o hindi kinakausap. Ewan ko ba sa bibig ko para siyang may utak kaya hindi ko makontrol-kontrol. Kaya kong magsalita buong maghapon ng hindi umiinom ng tubig. Kaya kong magkwento ng isang story na alam kong mangangak iyon ng napakaraming side story at ang ending, walang ending na chikahan with me.
Nababaliw na ako at ang bibig ko. Huhu.
Gulat akong napatingin ng sabihin ni El na galing sa boyfriend niya ang mga plastic bag na puno ng napakaraming pagkain. Napaawang ang bibig ko at ilang beses na napakurap.
"P-Pakiulit nga ng sinabi mong pisty ka?" Mahinahon ngunit nautal pang tanong ko.
"Sa boyfriend ko." Pag-uulit niya at ngumiti ng matamis.
"Weh?" Ngumiwi ako kasabay ang paglayo ng mukha.
Suminghal siya at umupo sa tabi ni Lincoln. Agad niya itong ginawaran ng halik sa pisngi at ginulo ang buhok.
"Weh? Henyo, weh?" Mas napangiwi kong ulit mas inilayo ang mukha. Suminghal siya at napairap.
"Gahahaha!" Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili kaya humagalpak na ako ng tawa. "Maghunos dili ka nga, henyo! Walang papatol sa'yo, okay? 'Wag ka ngang mangarap ng mataas diyan, tiyak napakasakit niyan kapag lumagapak ka sa lupa at una ang mukha! Gahaha!"
Tawa ako ng tawa at yakap-yakap ang tiyan habang nakaturo sa kaniya. Halos makahiga na ako sa sahig sa sobrang panghihina ng tuhod ko sa sobrang tawa.
"Boy---gahahaha! Boyf---gahahahaha! Boyfrie---gahahahaha!" Hindi ko na maayos-ayos ang pananalita ko sapagkat palagi akong nauunahan ng tawa. "Gahaha! B-Boyfriend d-daw? Pisty! Laptrip ka, henyo! Mamamatay akong masaya dahil sa'yo! Gahahahaha!"
Asar akong tinignan ni El at binato ng tsinelas sa ulo ngunit mas lalo lang akong natawa.
Natapos kaming kumain ng hapunan na hindi natitigil ang tawa ko. Pati na rin nung nasa harap ako ng lababo at naghuhugas ng plato ay panay pa rin ang tawa ko. Pinunasan ko ang aking kamay sa suot na apron at isinabit iyon malapit sa ref saka tumawa na naman habang naglalakad papuntang sala kung nasaan silang lahat.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...