Nikkon's POV
Aanhin ko pa ang ganda ng damit ko ngayon, kung kumakalam naman ang sikmura ko?
May inis sa dibdib akong lumingon sa paligid dahil marami ng minuto ang lumipas ay wala pa rin ang inorder ko.
Ano bang klaseng restaurant 'to? Sa pintura at itsura lang pala magaling pero sa serbisyo e salto naman! Sarap ipasara ang pisty.
Inirapan ko yung babaeng estudyante na kanina pa ako pinapanood. Alam kung maganda talaga ako pero 'wag naman sana niyang iparamdam saakin na hindi lang ako maganda kundi napakaganda pa. Ito talaga yung problema ko e, masyado akong maganda kaya minsan naiisip ko na ano ba ang ginawa ko at binigyan ako ng ganitong mukha? Hays, ganda problem is real talaga.
"Ang pangit mo."
Napa-ayos naman ng upo ng makita si El na dala-dala ang in-order ko kanina. Nakabulong siya at parang hindi man lang nga gumalaw ang labi niya ng sabihin iyon.
"Pisty ka---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ng palihim niya akong pinandilatan. Sa ginawa niyang iyon ay agad kong nakuha ang pinaparating niya.
"Good morning, ma'am." May kalakasan pang bati niya at may malaking ngiti sa labi habang nakatingin saakin.
Gusto kong humagalpak ng tawa dahil naninibago ako sa kilos niya. Hindi kasi siya gano'n. Psh, kung hindi lang ito tungkol sa plano e iisipin ko ng sinapian si El ng sampong kaluluwa.
"Akalain mo nga naman at timing pa na ikaw ang magseserve saakin." Sabi ko sa kaniya habang nakabulong rin.
Ang pagitan ng mga mesa dito sa restaurant ay malayo kaya alam kung hindi nila kami maririnig. Ngunit nanatili akong nakangiti para kung may makakita saamin nila El e iisipin nila na kinakausap ko ito patungkol sa mga putaheng hawak niya at ganoon rin siya saakin.
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Psh, nahirapan akong bilugin ang ulo ni Ma'am Rosie kanina pero tignan mo nga naman at ako na ang pinag-serve niya."
May bitin na ngising lumabas sa labi niya.
Ma'am Rosie? Tsh. Ano na naman kaya ang ginawa nito? Pero infairness, ha? Ang galing ng kumag na ito.
Tinignan ko naman ang kabuuan niya, nakasuot ito ng puting long sleeves na pinatungan ng sleeveless coat na panlalaki pero pambabae nga lang sa kaniya kasi nga babae siya. Nakapalda siya ng kulay itim at may parang apron doon na nakapalibot sa bewang niya. Sinulyapan ko naman ang itim at maliit na ribbon sa leeg niya na para bang gusto na siya nitong sakalin sa higpit.
Kinuha ko ng mabilis ang panyo ko sa bag at itinakip sa bibig ko para doon ko ilabas ang mga bungisngis ko.
Nang makuntento at aalisin ko na sana ang panyo e napasulyap ulit ako sa ribbon na iyon at napabungingis na naman.
Sigurado akong maya-maya lang e tutumba na ito si El sa sahig dahil hindi na nakahinga. Gahahaha!
Kumunot ang noo niya kaya umayos ako ng upo.
"Bagay pala sa'yo ang maging waiter, henyo. Sana ganiyan ka na habang buhay."
Nakabulong na pang-aasar ko habang nakangiting pinupunasan ng tissue ang kutsara.
Inilagay niya ang platito na wari ko'y side dishes at isinadya niya iyon malapit sa braso ko upang kurutin ako. Nakagat ko ang labi ng dahil doon.
"Galingan mo," Bulong niya at may laman ang sinabi. "Thank you, Ma'am. Enjoy your stay." Malakas pa na dagdag nito habang nakangiti. "If you need anything, just call me."
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...