Chapter Seven

101 28 0
                                    

Miles's POV

Nang tuluyang matapos ang eksena namin ni Ate ay agad naman akong dumiretso sa Comfort room malapit sa food court. Bago pa ako makapasok e ramdam kong maraming tao doon kaya ng tuluyan akong pumasok ko ay hindi nga ako nagkamali. Walang space sa sink kaya naman naghintay muna akong matapos ang babaeng na nasa harap ng salamin na naglilipstick. Nang matapos sya ay agad naman akong sumunod at inuhan ang isang babae na sa tingin ko e ilang taon lang ang tanda saakin. Tinignan niya ako ng masama at tinignan ko rin sya ng masamang masama.

Hindi febyolus ang pakiramdam ko ngayon kaya 'wag mo kong artehan, Sis!

Naghilamos ako ng dalawang beses at tinignan ang sarili sa salamin.

Ang febyolus ko talaga hays....


Kumuha ako ng panyo sa bag at pinusan ang mukha. Naglagay rin ako ng powder at lipgloss saka sinuklay ng bahagya ang buhok ko saka pumunta na sa likuran ng ibang tao na gagamit rin ng sink.

Pinasadahan ko naman ang lahat na halatang busy sa ginagawa nila. Tinignan ko naman ang kaliwa't kanan ko at nakitang busy rin sila manalamin.

Inaayos ko naman ang posisyon ko at inihanda ang sarili. Nakabukas ng bahagya ang bag ng isang ginang at kitang-kita ko naman ang wallet niya na sa tingin ko e kakalagay lang, siguro ay nakalimutan niya itong isara. Habang ang kanang kamay ko ay maingat at dahan-dahan na inaabot ang wallet, ang kaliwang kamay ko naman ay ginamit ko para ipangsuklay sa buhok habang nakatingin sa salamin. Kung titignan nila ang repleksyon ko sa salamin na nasa ganoong posisyon ay makikita nila na tanging pag-aayos lamang ng sarili ang inaatupag ko at walang ginagawang masama.

Ilang segundo pa ang lumipas ay matagumpay kong nakuha ang wallet at mabilis na iniwan ang lugar na iyon. Mabilis kong inilagay sa bag ang wallet at naglakad na para bang walang nangyari. Ramdam na ramdam ko kung gaano ako ka-febyolus ngayon kahit na galit ako kay Ate Nikkon.

Hindi ko na talaga alam kung bakit ganoon kahigpit si Ate saakin. Ayaw niyang napapalayo ako sa kaniya, gusto niya parati ko siyang kasama. Lahat ng bagay at gusto kong subukan sa buhay ay hindi ko magawa dahil humahadlang siya. Gusto niya parati niyang alam ang mga gagawin kong plano, kailangan humingi muna ako ng pahintulot mula sa kaniya. Noon pa man ay ganoon na talaga siya, mahigpit. At kung tataliwas ka sa kaniya, mas lalo ka lang niyang paghihigpitan. Si Ate Nikkon yung parang lubid na nakagapos sa mga paa ko, sa bawat subok kong pumalag at makawala, mas lalo niya itong hihigpitan.
Hindi niya alam na habang nilulunod niya ang sarili sa kakaisip tungkol sa pagmamahal saakin at sa kaligtasan ko, nakakalimutan niyang kapatid niya pa rin ako.

Mababaw ang mga luha ko at gawa sa mababasagin ang puso ko. Sobra talaga akong nasasaktan ngayon. Nasasaktan ako hindi dahil sa hindi ko magawa ang mga gusto ko, kundi ang sakit sa pananakal mula sa kaniya.

Palihim kong pinunasan ang mga luha sa mata ko habang tinatahak ang 3rd floor. Maya-maya ay biglang tumunog ang celpon ko.

One new message~

From: Porcia

Hala, be! Wer r u na?! Dito na kami sa tapat ng National Bookstore sa 3rd floor! Faster naman at masiyado ng pinagti2nginan ang ganda ko ditey!

Napaikot pa ang mata ko ng matapos kong basahin kaya agad naman akong nagreply sa kanya.

To: Porcia

Oo, parating na! 'Wag kang assuming, Sis. Nagtaka lang sila kung ba't may gorilla sa loob ng Mall! Chaka!

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon