Chapter 28

63 9 7
                                    

Nikkon's POV


Suminghap ako ng hangin sapagkat hindi ko na makontrol ang kaba at pagkabalisa sa minutong ito.


Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking naglalakad na tiyak na magiging dahilan ng pagkakabigo namin ni El sa planong ginawa niya at kung mamalasin pa ay sa kulungan kami pupulutin.

May nakakuha ng atensyon niya kaya ito napatingin sa kanan niya at hindi ako nito napansin. Nanlaki ang mga mata ko na parang nagslow-motion pa ng initok niya ang paningin sa harap kung saan ay nakatayo ako. Wala na akong ma-isip pang paraan kaya pumikit ako ng madiin at triniple ang kapal ng mukha. Nag sign of the cross pa ako sa isip ko.

Lakad takbo akong sinalubong siya at niyakap.

Rinig ko ang pintig ng puso niya habang nakadikit ang kanang pisngi ko sa dibdib niya, naliliyo ako sa amoy ng pabango niya. Sunod-sunod akong nagmura ng malutong sa isip ko, nadamay ang walang kamuwang-muwang na lalaking ito dahil sa katangahan ng henyong si El.

Nakapulupot ang mga braso ko sa katawan niya at nanginginig rin ang mga daliri ko. Gusto ko ng bawian ng buhay sa minutong ito, sobrang nakakahiya.

Naramdaman ko ang konting lamig sa palad niya ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko. Dahan-dahan niya akong inilayo mula sa sarili niya. Nanatili pa rin akong nakayuko habang natataranta sa pag-iisip na pwedeng idahilan kung bakit ko iyon nagawa.

Narinig ko ang paghugot niya ng hininga, nakagat ko ang aking labi. Gusto ko ng maglaho sa eksenang ito pisty.

"What are you doing?" Aniya.

Nakailang pikit pa ako bago mag-angat ng tingin sa kaniya-----natulala ako. Ang gwapo e.

"Why did you do that?" Masungit pang tanong niya.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Mabilis akong napaayos ng pagkakatayo.

"A-Ah...hehe...s-sorry. Akala ko kasi..." Natuptop ko ang sariling labi ng kumunot ang noo nito.

"Akala?"

"A-Akala ko k-kasi...ikaw yung kaibigan ko." Pagdadahilan ko at nag-iwas ng tingin.

Magdadahilan na lang, kamang-mangan pa ang pinili mo, Nikkon!

"Friend? A guy friend?" Paniniguro niya. Supposed to be hugged like that?" Tumagilid ang labi niya, mukhang taliwas iyon sa paniniwala niya.

"O-Oo." Mabilis na sagot ko.

Kinagat ko ng mas madiin ang ibabang labi ko ng lumikot ang mga mata nito sa mukha ko, hinahanap ang sinseridad sa sinabi ko. Tinignan niya ako sa mata, bumaba sa ilong at labi. Ilang segundo siyang nakatitig doon at mabilis na ibinaba iyon sa dibdib ko.

Gusto ko siyang sampalin sa ginawa niyang iyon ngunit mukhang nasemento na ang kamay ko at hindi ko na nagalaw pa.

Umirap siya, panlalaking irap. "Before you hug someone, make sure you know them." Binasa niya ang labi at mabilis akong nilampasan.

Sinulyapan ko ang pwetan niya. "Psh, ang seryoso mo masiyado. Buti nga at nakatanggap ka ng libreng yakap mula sa magandang tulad ko e. Sa panahon ngayon, wala ng libre, oy." Bulong ko sa sarili ko habang nakanguso itong sinundan ng tingin papuntang counter.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon