Chapter Two

164 28 0
                                    

El's POV

Nasa tapat na kami ng bahay ng narinig kong nagbubulyawan ang dalawag klase ng masamang elemento na naninirahan sa bahay namin. Naglakad kami papasok ng bahay at pinaupo si Con-con sa upuan sa may sala namin. Nilagay ko muna ang coke at itlog sa mesa katabi ng inuupuan ni Con-con at saka tinanggal ang sapatos nito, bago ako tumayo ay kinuha ko ulit ang itlog at coke para ilagay sa isang mesa doon sa kusina.

Odiba? Doble trabaho. Tsk.

"Ano kamo?! Sira na ba yang ulo mo?! Edi nahuli na tayo!" Sigaw ni Nikkon,
mukhang galit na.

May narinig akong nabasag siguro ay itinapon nya iyon.

Malamang! May mababasag kasi may tinapon, El. 'Wag tanga. Oh, please.

"Kailan pa nakakasira ng ulo ang pag-aaral ha, Ate?! Ikaw rin, e! May sira ang ulo! Sige nga, sabihin mo nga saakin kasi hindi ako na-inform, e!" Si Miles.

Ah, Kuha ko na. Mukhang gustong-gusto na talaga ni Miles mag-aral..

Kahit ako ay hindi pa rin nakakapasok sa paaralan, sa katunayan kaming tatlo. Kahit kailan ay hindi pa namin naranasan ang mag-aral at makapasok sa isang University o kahit saan pang paaralan.

"Wag mo nga akong sigawan! Sino ba dito ang maganda?! Sino ba ang panganay, ha?! Walang mag-aaral! Naiintindihan mo o naiintindihan mo?! Susunod ka sakin sa gusto ko at sa gusto ko pa rin! Kuha mo?!" Sigaw ulit ni Nikkon.

Hindi ba talaga sila marunong mag-usap ng hindi nakasigaw? Psh.

Kumuha na ako ng apat na plato at mga kutsara at tinidor saka nilagyan ng kanin sa plato si Con-con. Kumuha na rin ako ng mga baso at inihaon ko na rin ang itlog na niluto ko. Ako na ang nagluto nakakahiya naman sa dalawa e, baka maistorbo pa.

Binalot ng katahimikan ang kwartong nasa taas kung nasaan ang dalawa. Mga ilang minuto lang ay narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto at ang mga mabibigat na yapak sa hagdan pababa.

Pucha, parang masasamang elemento talaga silang tunay. Kinilabutan ako sa naisip ko at napailing ng magkasunod-sunod.

Umupo na ako sa tabi ni Con-con at nagsimulang kumain nang walang anu-ano'y naramdaman ko na ang kampo ng kadiliman na lumapit saakin.

"Hala, El! Sorry! Sorry! Nakalimutan kong magsaing! Si Miles kase, e! Ang daming problema sa buhay niya, Huhuhu! Sorry talaga, Fren!" Si Nikkon na kumapit pa sa kamay ko, natataranta pa.

"Alisin mo nga yang kamay mo. Kita mo ng kumakain ako e, pano ako susubo?"

"Ay, oo nga pala 'no, fren?" Napaisip na tanong nya at napailing na naman ako. "Waaaah! Pero sorry talaga, ah? nawala talaga sa isip ko, e!"

"Oo na. Tawagin mo na ang kapatid mo at kumain na kamo."

"Ayoko nga! 'Di ko siya bati! Ayaw! Ayaw!"

Arte.

Naramdaman kong may bumababa sa hagdan at maya-maya ay tumambad sa harap ko ang isa sa mga alagad ni Satanas.

"Ate El! Sorry talaga. Nakakahiya tuloy. Yung isa kase diyan e malaki ang problema sakin masyadong kontrabida sa buhay ko!" Mataray na saad ni Miles at inirapan ang Ate nya. Umupo ito sa harap namin ni Con-con saka inumpisahang kumain.

"Nagpaparinig ka ba?! Hindi kasi ako bingi, e!" Si Nikkon. Inirapan naman siya ng kapatid niya.

"Hindi ka pala bingi, e. Ba't nagtatanong kapa?!"

"Anong---" Sa gulat ay napatayo pa si Nikkon at galit na tinignan si Miles.

"Puchang ina naman, oh! 'Di ba kayo titigil?! Nakita niyo ng may bata, e! Kung ayaw niyong kumain ay magsilayas na lang kayo!" Singhal ko.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon