Chapter 22

81 13 3
                                    

El's POV

Ramdam kong tinatraydor ako ngayon ng sariling damdamin, bugso ng damdaming hindi na kaya pang magpigil.
Tinitigan ko sa mata ang lalaking nasa harap ko subalit mas lalo niya lang dinadagdagan ang inis sa ulo ko ng ismiran niya lang ako ng harap-harapan!

"Hindi ako nagsasalita kanina dahil alam kong 'di niyo kakayanin ang bunganga ng isang 'yan." Turo ko kay Nikkon at naitikom niya ang sariling bibig. "Kahit sampo pa kayo, hindi yan magpapatalo. Pero sumusobra naman ata kayo? Lumpas na kayo sa limitasyong.. babae ang nasa harap niyo." Huminto ako sa harap ni Diyablo at seryosong tinitigan sya, mata sa mata.

"So, what are you trying to say?" Tanong niya at matunog itong ngumisi.

Napangisi ako sa mismong sagot niya, Nakakairita.

"Hindi mo ba alam ang pinagkaiba ng babae sa lalaki?" Malumanay kong tanong.

Humalakhak siya. "Of course."

"Nakakatawang isipin na tukoy mo ang kaibahan ng kasarian, pero nagawa mo pa ring patulan." Ngumisi ako at tinignan siya sa mata ng masamang-masama. "Wala kang kwenta!"

Nakita kong nag igting ang panga niya at nagsalubong ang mga kilay. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko ng ulitin niya naman sa pangalawang pagkakataon ang pangunguwelyo saakin!

Sariwa pa rin sa isip ko yung nangyari sa Mall, diyablo.

Naiinis ako sa sitwasyon at katotohanan na humantong ang isip batang away na 'to sa seryosong paraan. Ang kaninang asaran ay nagiging pisikalan, nakakabanas!

"Remember what I told you before? The moment when I see your face again, I will not let it pass!" Malakas ang pagkakasigaw niya sa mukha ko, nagagalit na sya.

"Then, do whatever you want."

Tugon ko at ngumisi. Sinigurado ko rin na ang tuno ng boses ko ay yung tipong maaasar siya. Humigpit ang hawak niya sa jacket ko, ramdam ko doon ang pagpipigil at pagkairita niya. Nagtagumpay ako.

"That's enough."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagambala sa boses at presensya niya simula kaninang nagsalubong ang paningin naming dalawa. Pilit ko ring itinutuon ang aking atensyon sa mukha ni Diyablo, dahil ayokong tumingin sa kaniya at sa katotohanang ang lapit-lapit niya saakin.

Hinawakan ng Anak ng Diyos ang kamay ng Diyablong nasa harap ko. Pilit niyang ini-aalis ang kamay no'n sa jacket ko subalit ang Diyablong ito ay matigas pa sa bato ang ulo, ayaw akong bitiwan.

"I said, that's enough." Pag-uulit pa nito.

Mukhang gumana ang pagpupumilit ng Anak ng Diyos ng malakas na bawiin ni Diyablo ang kamay niya mula sa jacket ko. Sinamaan niya ako ng tingin.. paalis na siya sa harap ko ng bigla ko siyang hinawakan sa balikat at iniharap saakin saka ko siya sinikmuraan! Malakas ang pagkakasuntok ko dahilan upang umubo ito nagmagkasunod-sunod, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang gulat na reaksyon ng Anak ng Diyos na nakatingin saakin at mabilis na hinawakan sa magkabilang balikat ang Diyablo upang suriin ang katayuan nito.

Ilang segundo pang pag-ubo ni Diyablo ay saka ito tumayo ng tuwid sa harap ko habang hawak ang tiyan niya, napangisi ako sa aking isip at patuloy na nilalabanan ang masamang tingin nito saakin!

"Talagang sinasagad mo ako 'no?!" Nakakamangha man sa pandinig ng magsalita ito ng tagalog na lengguwahe ngunit hindi pa rin no'n mababawas kung gaano ako nai-inis sa kaniya!

Naglapat ang labi nito upang madiin ang atensyon ko sa panga niyang animo'y galit na rin. At sa pangatlong pagkakataon ay kwenelyuhan na naman ako nito ngunit kakaiba na ngayon, napakahigpit, galit na galit at bahagya pa akong naka-angat sa carpet!

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon