Chapter 33

81 9 13
                                    

El's POV

"What do you want to buy?" Tanong ni Diyablo ngunit nananatili pa rin ang asar sa mukha dahil sa nangyari kanina.

"Kahit ano." Nginisihan ko siya.

"Tsk, Why did you do that? Bakit mo ako pinagsamantalahan kanina?" Nakalabi itong nakatingin saakin.

Nalalaki ang mga mata kong napaangat ng tingin sa kaniya. "Anong pinagsamantalan? Ayosin mo nga yang pagsasalita mo."

Pinagsamatalahan? Ha! Walang hiya.

"Bakit? E, totoo naman, psh." Ngumuso siya. "If you want me to kiss you, you don't need to seduce me. I'm all in."

"Ay talagang hibang ka!" Hindi makapaniwalang singhal ko at mabilis na nagmartsa upang iwan siya.


Napakawalang-hiya. Paano niya nasasabi ang mga bagay na 'yon? Hindi talaga kinakapitang ng kahihiyan! Napaka-abnormal!

Masama ang mukha kong pumasok sa Supermarket at agad na nakapagpasalamat sapagkat hindi marami ang mamimili. Ang pinaka ayaw sa lahat sa tuwing bibili ako ay ang pumila ng matagal. Sino ba ang gusto? Psh.

Naririnig ko na ang nakakaasar na tawa ni Diyablo sa likod ko. Agad akong ginapang ng pagkairita na mabilis na bumalot sa ulo ko.

"I'm just joking, why so serious?" Tawa-tawa pa ito na nakapatong ang braso sa stall habang hawak-hawak ang V-cut na pinapaypay sa mukha niya.

"Biro ba 'yon? Kung bigwasan kita?" Inis kong sabi.

Lumakas ang tawa niya habang nakatingala. "Damn, you're cute."

Hahawakan niya sana ang pisngi ko upang kurutin ngunit agad akong tumalikod sa kaniya at naglakad sa ibang stall habang tulak-tulak ang grocery cart.

Ramdam ko ang pagsunod niya saakin habang sinisipol ang isang kanta na hindi ako pamilyar. Hindi ko siya pinansin at inabala ang sarili sa kakatingin sa mga canned goods. Kumuha ako ng maraming delata, mayroon corn beef, sardinas, at meatloaf. Saka maayos na inilagay iyon sa cart ko.

Sinulyap ko si Diyablo ng mapansin na hindi na ito kumikibo. Natagpuan ko siya sa harap ng mga dried fish at agad na dumapo ang paningin ko sa hawak niyang  plastic na may laman na dried squid. Nandidiri niyang sinusuri ang kabuuan ng pusit na 'yon habang binabaligtad-baligtad pa. Inilapit niya ang dried squid sa mukha at inamoy. Lumukot ang mukha niya at umaktong maduduwal saka itinapon iyon pabalik sa pinagkuhanan niya.

Umiling-iling akong nag-iwas ng tingin. Parang tanga talaga.

Naglakad ako papunta sa stall ng titchirya at mga biskwit saka kinumuha ang mga pamilyar na naming binibili nila Nikkon. Kumuha rin ako ng stick-o, chuckie, yakult at honey butter.

"Elaine, tignan mo oh!"

Mabilis akong napalingon sa dalawang babae sa gilid ko.

"Oh, shit. Diba ka-school mate natin yan, Margaret?" Tugon niya doon sa Elaine.

Yakap-yakap pa nito ang naglalakihang titchiriya, yung isa naman ay nakahawak sa maliit at puno ng grocery cart.

"Oo! Grabe, tama nga yung sabi-sabi ng iba. Mas gwapo nga siya sa malapitan!" Kinikilig pang ani nito.

"Gaga! Mapalayo man o malapit e gwapo talaga siya!" Pinalo nung Elaine sa braso si Margaret. "Near sighted ka kasi kaya sa malapit mo lang siya naaaninag! Hahaha!"

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon