Chapter Sixteen

117 18 0
                                    

Nikkon's POV

Mag-aalasyete na ng nakauwi kami nila El at Miles sa Subdivision.

At ngayon ay hindi ko mapigilan ang sariling mag-evolved! Yun bang tutubuan ako ng sungay dahil sa sobrang pagkainis sa henyong El na iyon!

Sobrang kapistyhan talaga yung eksena niya kanina. Nakailang text at tawag na ko pero wala man lang sagot! Makapal pa ang mukhang ulitin iyon ngayon!

Kailangan niya talaga akong bigyan ng isang napakagandang dahilan patungkol sa kung anong nangyari sa kanya at kung BAKIT siya may kasamang tatlong mga lalaki!

Naikwento ko naman sa inyo na walang kaibigan na lalaki si El bukod sa mga anak ni Ate Bebang, diba? At saka, Alam ko yun. dahil matagal ko ng kasama ang henyong El na yun sa iisang bubong.

E, anong palabas yun? Anong chanel?!
At ito pa ang nakakabwesit, wala man lang siyang nabanggit saamin tungkol sa mga lalaking iyon. Kung bago niya ba iyon na mga kaibigan o kung syota niya na lahat iyon.

Kailan pa kaya nito balak sabihin saamin? Pisty!

"Oh, Ano na henyo? Tatahimik ka na lang diyan? Baka gusto mo ng magsalita dahil kunting-kunti na lang ang pasenyang meron ako!" Inis na singhal ko sa kaniya.

Nasa Europhiah Underground kami ngayon at sa minutong ito ay para akong isang pastor na patuloy sa pagsesermon sa isang dimonyo. Nakatayo ako sa harap ni El habang siya naman ay nakaupo lang at kanina pa nakatingin sa may paanan nya. Si Con naman ay katabi si Miles na nasa kaliwa ko at sarap na sarap sa pagkakaupo sa sofa habang pinapanood kami.

Sobrang tahimik sa loob ng EU dahil wala pa rin sagot si El sa paulit ulit kong tanong sa kanya simula pa kanina.

"Ano El?! Ano ang nangyari? Sumagot ka---" Naputol yung sasabihin ko ng mag-anggat si El ng paningin saakin. Masyado siyang seryoso at mabigat iyon sa pakiramdam.

Natutunugan ko rin na handa na siyang sumagot dahil nagpakawala muna ito ng malalim na buntong hininga.

"Nung oras na naghiwa-hiwalay tayo ay pumunta ako sa kung saan ako nakatoka at yun yung eskinitang pinasukan ko. Sinasaulo ko lahat ng dinadaan ko pero lingid sa kaalaman ko ay masyado pala iyon malaki at maraming pasikot-sikot. Alam kong malayo na ang nalalakad ko pero, saulo ko pa rin ang daan----" pinutol ko agad ang kwento niya kasi wala naman doon ang hinahanap kong sagot.

Sa buong buhay ko sa kaniya lang talaga ako palaging nadidismaya. Hindi talaga siya magaling magkwento at napakalayo pa sa mga taong ko!

"Saulo! saulo! puro ka saulo! Kaya isang kang sira ulo! Ang tinatanong ko bakit hindi mo MAN LANG nagawang mag reply o sumagot sa tawag namin, ha?!" Nagsisilabasan na ang ugat ko sa noo sa sobrang inis. Ramdam kong makakagat ko ito maya-maya.

"Pwede bang patapusin mo muna ako?" Kunot noo at naiinis na tanong ni El. "Nagkukwento na nga't lahat!"

"Pisty ka bilisan mo!"

"Tsk. Itikom mo muna yang bibig mo, ha? Kung pwede lang naman." Sarkastikong anas nya.

"'Wag ka munang sabat ng sabat, Ate! Epal ka rin, e!" Sabat ni Miles at inirapan ko naman siya.

"Mga pisty. Osya, Continue!" Sumenyas pa ako kay El na ipagpatuloy niya. Umiling lang ito saakin at bumuntong hininga.

"Tsk. Pumunta ako sa lugar na yun para alamin ang pasikot-sikot doon. Ngunit, sa kamalas-malasan ay may tumawag saakin na mga lasenggo. Pilit nila akong pinapainom ng alak at inaayang makipagkwentohan sa kanila pero tinanggihan ko. Sa pagpupumilit ay kung anu-anong kabastosan ang mga sinasabi nila saakin. Nagtangka pa silang talian ako upang hindi makatakas-------"

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon