El's POV
Nang makalabas kami ng Café na iyon ay agad kaming nag martsa patungong kaliwa at tumawid sa kabaling kalye. Ramdam rin ko ang nakakapanibagong pakiramdam sa likod.
Mukhang na tahimik ang dalawang magkapatid na engkanto, ah? Tsk.
Umihip ng malakas na hangin at nilipad pa ang ibang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha. Mabilis kong tinanggal ang aking sombrero at inayos ang buhok saka agad na binalik iyon sa ulo ko. Huminto ako sa tapat ng starbucks saka mabilis na humarap kila Nikkon at Miles.
"Ay butiking tuko! Aray! Nakakagulat ka! Pisty!" Anas ni Nikkon na hinampas ako ng bahagya sa balikat. Hinawakan pa niya ang ulo dahil tumama iyon sa balikat ko.
"Hindi ka kasi tumitingin sa harap mo, Ate!" Si Miles.
"So, kasalanan ko pang pisty ka!? E itong henyong to ang humarang-harang sa daan ko, e!" Iritadong anas ni Nikkon at tinuro pa ako.
"Dami niyong arte." Sabat ko.
"Wow! Ambilibabol ka talaga, henyo! Ako na yung nabangga, ako pa may kasalanan!"
"Tch! Hayaan mo nga yan si Ate, Ate El. kulang lang yan sa pansin! Saan na tayo ngayon, Ate El?" Pagiiba ni Miles.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-irap ni Nikkon at humalukipkip saka nag iwas ng tingin saamin. Mabilis ko naman sinundan kung ano ang tinitignan nya at...
Nakatingin lang siya sa Fort Hepburn University. Nagulat pa ako ng mahagip ng mga mata ko sila Diyablo at mga tropa niyang manyak na papasok pa lang sa paaralang iyon. Huling pumasok yung Anak ng diyos habang nakapamusal.
Akalain mo nga naman, bigtime pala ang mga kwatogs na 'to.
"Hoy, henyo! Bingi ka na ba?!" Malakas na pagkakasigaw ni Nikkon kaya agad akong napaharap sa kaniya.
"Ano bang problema mo!" Inis na singhal ko.
Nakakabwesit talaga ang bunganga nila kahit kailan. Pwede naman magaalita ng hindi nakasigaw, e. Psh.
"Ha! ha! ha kakaiba rin si Ate El e, 'no? Tanong-tanong ako, tapos dedma ang peg!" Dugtong ni Miles sa kapatid at tumawa ng peke.
Napairap na lang ako sa kawalan at nagpakawala ng malalim na hininga saka bumira.
"Sa ngayon e mas mapapabilis ang trabaho natin kung magkakahiwa-hiwalay tayo. Ayoko rin na kasama kayo kasi masyado kayong maingay at-----"
"Aba't siraulo kang henyo ka, ah! Namumuro kana talaga saakin! Nangigigil na ako sa'yo!" Pagpuputol ni Nikkon sa sinasabi ko.
"Kita mo yan? Masiyado kang maingay naririndi ako sayo!" Singhal ko sa kanya at tinuro pa siya sa bibig.
"Hep! Hep! Hep! Tama na pwede ba!?" Awat ni Miles samin at iniharap pa saamin ang dalawa niting kamay.
Ilang segundo ang lumipas...
"Katulad nga ng sinabi ko, maghihiwa-hiwalay tayo para mas mapadali ang trabaho..." Lumingon ako sa kanan ko at may nakita akong kalye medyo malayo sa kinaroroonan namin ngunit nakikitang ko sa hindi kalayuan ang crossing. "Doon ako, magtitingin-tingin ako kung ano ang meron." Turo ko pa sa kalyeng 'yon at mabilis na hinarap ang dalawa.
"E, saan naman ako? Anong gagawin ko?!" Kunot noong tanong ni Nikkon saakin.
"Nakikita mo ba yun Ate?" Sabat na tanong ni Miles na tinuro pa ang nakatayong lata sa gilid ng halaman malapit sa entrance ng Starbucks.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...