Chapter 24

86 9 4
                                    

El's POV

Alas syete na ng gabi ng tumingin ako sa relos ko. Ngayon, naglalakad na kami papunta sa La del Gallo Subdivision kung saan kami naninirahan. Hinawakan ko ang tiyan ko dahil sa dami ng nakain ko kanina, halo-halong pagkain. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kabusog ngayon. Gusto ko man dumighay ng napakalakas ay hindi ko magawa dahil nagagambala ang konsentrasyon ko dahil sa magagalaw at hindi matapos-tapos na pag-iingay ng dalawang magkapatid sa harap ko.

"Haysus! Ikaw, Ate Nikkon ah! Nalingat lang kami nila Ate El at Manang Esther kanina e lumalandi ka na!" Panunukso ni Miles, panay ang tawa.

Tinutukoy niya yung nangyari kanina doon sa restaurant. Yung tinulungan ni Alipores na magbukas ng alimasag si Nikkon. At ang nakakatawa pa e mukhang nakalimutan nilang may mga kasama pa rin sila at may mga matang nanonood sa ginagawa nila. Kung titignan mo sila kanina ay masyadong nakapako ang atensyon nila sa pagbubukas ng alimasag pero nanatiling kaduda-duda iyon saakin, nakapukos sila sa presensya ng bawat isa.

"Pisty! Tigil-tigilan mo nga ako, Miles! Wala lang 'yon, okay?!" Halatang asar na si Nikkon ngunit nananatiling pula ang pisnge niya.

"Ayeee! si Ate Nikkon, tanggi-tanggihan kasi lahat ng 'yon ay katotohanan! Hahaha! Ayeee! Si Ate, may crush na!"

Mabilis na lumapit si Miles kay Manang Esther at inangkla ang braso.

"Manang! Manang! Si Ate meron ng crush! Hahahaha! Ayeee!" Tawang-tawa pang sabi nito.

"Talaga ba anak? E magandang balita iyan." Natawa rin si Manang.

"Mukhang hindi na tatandang dalaga si Ate Nikkon, Manang! Hahaha!" At tumawa naman ng malakas.

"Hind ka talaga titigil?" Malumanay ang boses ni Nikkon at pailalim na kung tumingin sa kapatid.
"Parang gusto kong mangarate ng isang panget dito!" Biglang sigaw niya pa at nag-stretching kunwari. Mabilis itong tumakbo palapit kay Miles, ngunit alertong napatakbo rin ang kapatid niya. Takbo sila ng takbo sa harap namin at nilulunod ang sarili nilang dalawa sa katatawa. Ganoon rin kami nila Manang Esther at Lincoln, natatawang pinapanood sila.

Walang tahimik at malungkot na lugar kapag sila ang kasama. Ngunit nakakabanas nga lang kapag ang pag-iingay nila ay sumusobra na.

Maya-maya pa..

Biglang sumagi naman sa isip ko ang lalaking may asul na mga mata. Ang mga matang nagiging dahilan ng pagkatulala ko. Ang mga matang marunong na alisin ang kakayahang kong mag-isip at humantong sa hindi mabaling pagtitig.

Blangko ang isip at mga matang nakatitig. Ganoon ang epekto niya saakin.

Ilang beses ko palang siyang nakita pero ilang beses niya ng binihag ng paulit-ulit ang atensyon ko. Kakaiba at nakakapagtataka. Hindi ko inaasahan na may ganitong pagkakataon na sobrang bilis ang mga pangyayari at napakatagal namang mawala.

Naglaho ang mga bagay na naglalaro sa isip ko ng bahagyang hilahin ni Lincoln ang manggas ng jacket ko, agad akong napabaling sa kaniya.

"What's wrong?" Tanong ko at nagtaka dahil gulat itong nakatingin sa harap niya.

"What is she doing there?" Turo niya pa at bumakas ang kunot sa kilay niya, ang cute. Sinundan ko yung tinitignan niya.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon