Nikkon's POV
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng kumunot ang noo ko, umirap ang mga mata at sumimangot sa buong araw na ito.At ang masasabi ko lang, Pisty!
Sa tanang buhay ko, hindi ako napikon ng sobra-sobra sa isang tao. Oo, hindi talaga!Aminado akong madali akong mapikon pero agad rin naman nawawala, pero pag tungkol na sa kaniya? Sa lalaking 'yon? Pisty! Hindi mawala-wala! Kapag tinitignan ko siya kumukulo lahat ng dugo ko sa iba't-ibang parte ng katawan! Hindi ko alam pero sobraaaaaaang naiirita ako sa bangaw na iyon! kapag tinitignan niya ako, naiinis na ako. Kapag ngumisi siya, napipikon na ako. Ano pa kayo kung magsalita pa 'yon? Naging instant kriminal na ata ako. Nakakairita lalo sa pakiramdam kung bakit hindi ko man lang maipaliwanag kung saan nanggagaling yung inis at pikon ko! Dati ba kaming magka-away noong unang panahon? Inangkin niya ba 'yong lupain namin noon? Ninakaw niya ba yung bagong ani naming mga palay at gulay? at ganito nalang ako ka-apektado?!
Gusto kong kunin lahat yung matatalim na bagay dito sa loob ng Mall at itarak ang lahat ng iyon kaniya! Nakakainisss!!!
"Shh... 'wag kayong maingay." Ang henyong si El.
Tinignan ko siya at napansing may tinitignan siya sa malayo kaya agad naman akong napatingin sa kaniya.
Tignan mo nga naman, ang mga walang modong lalaking iyan ay hindi pa rin kinukuha ng maykapal.
Nakita kong kasama ni Manang Esther si Con at kausap nila ang tatlong bugok. Pinasadahan ko ng tingin si bangaw na feeling gwapo na sinuklay pa ang buhok niyang parang mais naman! Nag-overheat na naman ang dugo ko, mamaya kukulo na naman 'to!
Oh, sino gusto ng sabaw na mainit diyan? Bigyan ko kayo. Chos.
"Ay ayun sila Manang Esther, oh! Taraaa!" Si Miles at hinila niya kami ni El papunta doon. Ramdam ko ang excitement sa mga galaw ni Miles dahil nakikita mo rin ito sa reaksyon ng mukha niya, nakangiti.
Anong bang nangyayari dito sa kapatid ko? Parang sinapian na naman. Pisty!
"Manaaaang!" Sigaw ni Miles at kumaway pa kaya nagsilingonan naman saamin ang tatlong bugok at sabay-sabay pa.
Nang makalapit kami ay hindi talaga ako tumingin sa kanilang tatlo dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at gumawa na naman ng panibagong away. Tumingin lang ako sa isang store ng mga mamahaling damit at doon itinuon ang buong atensyon.
"Pasensya na po Manang kung pinaghintay ka po namin, pasensya na rin po doon sa nangyari kanina..."
Gulat naman ako sa paghingi ng tawad ni Miles dahil talagang may kasalanan naman kami kay Manang Esther, kaya ibinalik ko ang paningin ko sa kanila pero agad iyon dumapo kay bangaw at nginisihan niya ako kaya iniripan ko siya ng hard, yung pati ulo ko sumabay rin sa pag-irap.
"Sorry, manang. Hindi na po talaga 'to ma---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita rin si Manang.
"It's okay, tapos naman na iyon. Saka naikwento naman nila saakin kung ano yung nangyari." Nakangiting sumulyap si Manang sa tatlong bugok at mabilis na ibinalik saamin.
"Wag na kayong mag-alala. Tapos na 'yon." Ngumiti si Manang saakin ng matamis na parang okay na okay na talaga ang lahat.Kwenento? Nino? Nitong mga bugok? Anak ng kagang...baka kung ano-anong sinabi nila kay Manang! Tapos kami ang pagmumukhain nilang masama at may kasalanan? Waaaaaa!
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...