Nikkon's POV
Nagising ako ng masipa ako sa tiyan ni Miles. Pisty talaga 'to! Asar naman kasi, naisipan pang magtabi-tabi matulog!
Dahil nga napurisaw na ang tulog ko ay agad na lang akong umupo. Tinignan ko naman si Miles na sarap na sarap sa pagkakatulog na nakadantay pa ang binti sa hita ko. Agad ko naman siyang binatukan para makaganti pero ang gaga hindi man lang magising, kaya binatukan ko na naman ulit pero pisty hindi na naman na gising!
Pungok ka na nga, mantika ka pang pisty ka!
Kunot na kunot ang noo ko na bumangon sa higaan dahil sa inis. Maglalakad na sana ako papasok ng kwarto para mag banyo e nahagip naman ng mata ko sa hindi kalayuan ang henyong si El na pwerteng nakaupo sa harap ng mesa malapit sa mga computer. Magtatangka na sana siya na humigop ng kape ngunit napatigil siya saka pinasadahan ako ng tingin.
"Anong tinitingin-tingin mo, ha?" Deretso niya iyon sinasabi sa mga mata ko.
"Aba, Bawal ka na bang tignan ngayon?! Ano ganda lang? Magsalamat ka nga at ako ang una mong nakita sa umaga e gaganda agad ang araw mo!" Sigaw ko.
"Parang hindi naman?" Umangat ang labi niya, nagpapainosente. "Sirang sira na nga agad, e." Humigop siya ng kape. "Kanina maganda ang gising ko. Ngayon e kahit gising na ako, para pa rin akong binabangungot dahil nasa harap
kita." Saad niya. Hindi ko man lang nakitaan ng pagdadalawang isip."Anong sabi mo!? Pisty ka talaga! Makaalis na nga! dahil baka hindi ko matansya e makapatay pa ako dito!" Asar na asar pang sambit ko.
"Haha, Nikkon pikon!" Tumawa naman ng bahagya si El at na inis na naman ako.
"Alam mo?" Tanong ko habang bahagya pang itinabingi ang ulo at tumingin sa kanya.
"Ano?" Wala sa loob nyang tanong at tinignan lang ako.
"Isa kang double XL na pakyu! Pisty!" Sigaw ko naman sa kanya at mabilis bumira patungong kwarto pero agad akong nahinto ng makitang nakaupo na si Con sa higaan. Nagkukusot-kusot pa ito ng mga mata na halatang nagising rin.
Kalasanan to ni El, e. Kainis!
"Good morning, Baby Con! 'Wag kang lalapit kay El, ha? Hindi siya magandang impluwensya." Bulong ko at niyakap siya ngunit tinawanan niya lang ako.
Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Pisty!
Mabilis ko naman siyang tinalikuran baka kasi mabatukan ko lang siya. Pumunta na ako ng kwarto at dumiretso ng banyo saka nagsepilyo at naghilamos. Tinignan ko naman ang sarili ko at----
Ang ganda-ganda ko!
Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi ko at gumiwang-giwang na parang kinikilig sa harap ng salamin. Nang makuntento ay lumabas na ako ng banyo habang kumakanta kanta pa sa isip ko. Mabilis akong nakarating ng pinto ngunit may pansin ako sa gilid ng mata ko, mayroong nakabalibag na paper bag malapit sa kama. Agad akong lumapit at kinuha iyon.
Minsan ang magagandang tulad ko e may pagkapakialamera rin.
Sinipat ko iyon at inilabas ang---ball cap?
Kung tungkol sa mga tao dito sa bahay e si henyong El lang naman ang mahilig magsuot ng sombrero, kaya alam kong kanya to. Sinilip ko pa ang loob ng paper bag baka meron pang laman. Baka kasi meron pang binili para saakin si El at hindi niya na naman nito ibinigay kaagad. Ngunit tanging papel lang na nakayupi pa ang nandoon.
"Ah, siguro ay resibo 'to," Sabi ko habang sinisipat iyon.
"Pero...wala namang resibo na kulay blue, diba?" Tanong ko pa sa sarili ko na parang isang detective dahil hindi pa rin kumbinsido.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...