Chapter Five

108 27 0
                                    

El's POV


Ilang minuto na ang nakalipas ng iwan ko sila Nikkon at Miles sa food court ngunit nandito pa rin ako sa Mall.
Ako kasi ang may-ari ng Mall, ba't ako aalis? 'Di joke lang. Naalala ko kasing may bibilhin pala ako.

Nang makarating ako sa store ng mga laruan ay pumasok ako doon at nagtitingin-tingin. Marami at lahat magagandang klase ng laruan kaya nabu-bwesit na agad ako kasi hindi ako makapili. Naglakad ako ng naglakad at kapag may nakitang mas magandang laruan ay lalapitan ko iyon at titignan, ngunit ibabalik ko ulit iyon dahil nagbago na naman ang isip ko.

Lintek talaga! Ramdam ko na rin ang kunot na kunot kong kilay dahil sa pagkabanas. Bakit pa kasi ako pumunta-punta dito, e.

"Ahm... Hello, Ma'am! Do you need help?" Anas ng isang sales lady  sa harap ko, nakangiti pa at tuwid na tuwid ang pagkakatayo.

"Yes, please?" Tugon ko dahil nababadtrip na talaga ako kakahanap.

"For boy or for girl po?" Tanong nya naman na at pinaghawak ang dalawang kamay.

"For boy."

Tumango siya saakin at naglakad papunta sa kaliwang parte ng store. Sinundan ko naman siya at napansin hindi ko pa pala napupuntahan ang parteng iyon. Lumapit siya sa isang camouflage na stall at may kinuha doon.

"Ah, Ma'am...ito po." Inabot niya naman sakin ang isang malaking box na may laman na malaking baril at may mga bala pa. Dalawang pistol ang nando'n at parang totoo na talagang baril ang itsura nito. Tinignan ko naman yung bala at inisip ang posibleng mangyari kapag aksidente itong naibaril ni Con-con sa ibang tao habang naglalaro.

"'Yang bullets po, Ma'am. Kung iniisip niyo na masakit kapag natamaan ay hindi po. Plastic po kasi ito." Tinuro niya ang ulo ng bala. Hinawakan ko ang parteng iyon at tama siya, plastic nga at malambot.

"At saka Ma'am, may target shooting rin naman po." Pinakita niya pa saakin iyong malaking bilog na may mga numero.
"Hindi naman ata baliw yung pagbibigyan niyo kung ibabaril niya sa tao, diba?" Bahagya pa siyang bumingisngis.

Mabilis akong napalingon sa kaniya dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. Anong karapatan nito upang pakialaman ang buhay ng customer na gaya ko? Nainis ako dahil ng sabihin niya iyon, ay parang sinabihan niya na rin ng baliw si Con-con.

"Kung ikaw kaya ang barilin ko?" Tiim bagang ko siyang tinignan, mabilis itong napaayos ng sarili.

"I'm sorry, Ma'am."

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagsuri sa laruan ngunit nagsalita na naman siya.

"Actually po ma'am, nag-iisa na lang 'yan... Wala na rin po kaming stock dahil marami na ang bumuli." Dagdag nya pa.

Sinuri ko ulit iyon at hindi ko maitanggi g nagandahan talaga ako. Nang binaliktad ko na ang box para tignan ang presyo nito sa likod ay agad kong ibinalik iyon sa kanya.

Inang yan! 5,999? E, bigas at ulam na namin 'yan sa dalawang linggo, ah?

Medyo nagulat siya sa inasta ko kaya kumunot naman ang kilay nya. Nang ibinalik niya sa shelve ang box katabi ng ibang pang mamahaling laruan ay humarap ito saakin at may dala ng panibagong laruan! Katamtaman ang laki nito kesa sa na una. Nang inabot nya iyon saakin ay agad ko itong kinuha at tinignan...

Anak ng---

"Ah Miss, hindi siya bakla." Nabibiglang anas ko na tinutukoy pa si Con-con sa isip ko.

Nang tinignan ko ang laruan ay isa yung manika na katulad ng Barbie doll pero lalaking nga lang.

Ano ba naman 'to.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon