Chapter Twelve

92 23 0
                                    

Nikkon's POV

"Ate tara! mag see-saw!" Galak na galak pang anas ng kapatid ko at tanging saya lang ang nababasa ko sa maiitim nitong mga mata. Mabilis na humulma ang napakatamis nitong ngiti sa labi.

"Sige." Matamis na ngiti ko din sa kanya at sumabay sa kanyang pumunta sa gawi ng see-saws.

Ang saya ay agad na bumalot sa buong sistema ko at hindi ko rin maiwasan ang hindi mapangiti sa kawalan.

Nang sasakay na sana ako sa upuan ng see-saw ay agad naman sumakay ang kapatid ko sa kabilang upuan kaya mas naituon doon ang bigat sa kanya at nahulog ako!

"Aray! Pisty ka talaga!" Singhal ko at hinimas-himas ang pwetan ko dahil yun ang unang tumama sa lupa.

"Hahaha! Sorry, Ate. Ang sakit ma-fall, 'no? Yung wala man lang sumalo sa'yo!" Tawa tawa pa ng kapatid ko habang mag-isang nagsi-see-saw.

"Pisty ka! Pag ako na badtrip sayo, ipupukpok ko sa ulo mo 'yang see-saw!"

"Hahaha! ang brutal mo talaga, Ate! Sorry na nga! Sakay dali!"

Mabilis naman akong sumakay at nagsimula na kaming magsaya ng kapatid ko. Nakangiti lang siya saakin ng napakatamis kasabay rin ang mga matang tila'y nakangiti rin. Ramdam na ramdam ko rin ang preskong hangin na dumadapo sa balat ko at hindi ko maiwasang makaramdam ng gaan sa loob-loob ko.

Nang makuntento ay agad naman kaming pumunta sa swing. Na unang umupo si Miles sa swing at dahil isa akong traydor ay agad ko siyang idinuyan ng malakas.

"Waaaaaa! Mama! Waaaaaa!" Takot na takot na sabi ni Miles at hindi alam kung saan niya ibabaling ang ulo.  Humawak pa ito ng mahigpit sa kadenang nakakonekta sa upuan niya.

"Sige! Mamatay ka sa takot! Gahahahaha!" Humagalpak ako ng tawa at muling idinuyan ang swing ng mas malakas pa. Nagsisisigaw na naman ang kapatid ko sa takot. Masyado na rin mataas ang inaabot ni Miles sa tuwing idinuduyan ko kaya naman nilalakasan ko pa lalo.

"Waaaaaa! You are not febyolus, Ate!!! Waaaaa! Tama naaaaa! Ayaw ko naaaaaa!" Nagsisigaw lang siya at hindi ko pinansin. Hindi ko na rin makita ang mukha niya dahil natatakpan iyon ng buhok niya.

"Gahahahahahaha!"

"Langya ka talaga, Ate! Waaaa! kapag ako nakababa dito, mag-isip ka na ng tatakbuhan mo! Waaaaaaa!"

"As if naman na papababain pa kita! Gahahahahahahaha!"

Tawang tawa naman ako sa reaksyon ni Miles kaya pinagpatuloy ko lang ang pagduduyan sa kanya ng malakas.

"Waaaaa! Ate El! Tama naaaa! Ate El! Waaaaaa! Tulong!!!" Humihingi siya ng tulong kay henyo, mautak rin ang tiyanak na 'to.

"Hoy! Nikkon! Tigilan mo nga ang kapatid mo!" Malakas na sigaw ni El na nagmumula pa doon sa malaking dilaw na Slide.

"Wala kang pake! Gahahahaha!" Sigaw ko rin sa kanya at tumawa pa ng malakas. Muli kong idinuyan ng mas malakas ang kapatid ko.

"Isa! Pag hindi mo yan tinigilan, ipupulupot ko sa leeg mo lahat ng kadena diyan!" Sigaw niya pang muli na nag sitinginan naman ang mga ibang batang naglalaro doon saamin.

Psh! Epektib nga ang pag hingi ng tulong ng kapatid ko kay El.

Kaya naman labag sa loob ko na binitiwan ang swing. Mga ilang segundo pa ang lumipas ay unti-unti na itong bumabagal sa pagkakaduyan. Nilingon ko si Miles na nakayuko pa rin at natatabunan ang mukha ng buhok. Gumalaw ito at dahan-dahan na iginilid ang buhok para magitla akong makita ang nanlilisik niya ng mga mata! Diretso itong nakatingin saakin at dahan-dahan lang ngumisi ng nakakatakot.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon