Chapter 36

75 6 14
                                    

El's POV

"Babe?"

Mabilis akong napalingon sa likuran ko ng marinig ang malalim na boses na iyon. Agad akong napangiti ng nakangiti rin ito saakin ng napakatamis. Hawak niya ang isang bote ng whiskey at dalawang baso. Pinasadahan ko ang kabuuan niya, nakasuot siya ng itim na sando at kulay grey na cotton pants. Kitang kita ko ang ganda ng biceps niya at ang nunal nito sa braso. Matangkad siya at magandang lalaki rin.

"Babe," Tugon ko habang kagat ang labing pinanood siya na tuluyang makaupo sa tabi ko.

Natawa siya bigla kahit wala pa naman akong sinasabi, nalanghap ko agad ang amoy ng toothpaste mula sa bibig niya.

"Can't believe we have an endearment," Natawa ulit siya at umakto rin akong tumawa. "Sobrang bilis lang natin nagkasama, ah? Hindi mo man lang ako hinayaan na ligawan ka." Dagdag niya at pinatitigan ako.

"Hindi uso saakin ang ligaw-ligaw. Kapag gusto ko, hindi na ako magsasayang pa ng oras." Ngumisi ako sa kaniya.

"Damn it. Kakaiba ka." Pumupuring anas niya sa gitna ng tawa.

"Hindi kasi ako yung tipo ng babaeng na pa-hard to get katulad ng sinasabi ng iba. Hindi kasi ako marunong magsayang ng oras." Nakangiti rin na ani ko.

"Gano'n ba talaga kalakas ang kompyansa mo na baka pagtripan lang kita o lokohin?" Nakangising saad niya. "Hindi mo ako kilala, babe. We don't know each other."

"Ang tanong..." Tinignan ko siya sa mga mata habang kagat ang aking labi. "Kaya mo ba talaga akong pagtripan at lokohin?" Hinawi ko ang aking buhok upang mapunta iyon sa likuran ko.

Bahagya itong napatulala saakin. Panay rin ang tingin niya sa leeg ko.

"Hmm?" Ulit ko.

Naisuklay niya lang ang kamay sa buhok sapagkat hindi nito malaman ang isasagot. Masyado siyang napaamang kaya nagsalita akong muli.

"Psh," nakangisi akong sinalubong ang mga mata niya. "Sabi nga nila, one of the best feeling in the world is to meet the most unexpected person at the most unexpected time." Nakangiti kong sabi at ginawa ang linya ni Diyablo.

Nakagat niya ang labi habang nakatitig saakin. Inihilig niya pa ang ulo sa sandalan ng sofa, ni hindi man lang ito kumurap.

"I agree with you," Tumango siya at napangiti. "Kinabahan talaga ako kanina, sino ba ang hindi?" Natawa siya. "Muntik na akong saksakin ng dalawang hold upper na 'yon. Mabuti na lang at dumating ka. Thank you so much."

Sa isang iglap agad kong naalala ang nangyari kanina. Kung saan napadaan ako sa isang eskinita at nakitang nakorner siya ng dalawang lalaki na pwersahang kinukuha ang bag niya. Hindi siya lumalaban sapagkat armado ang mga hold upper na iyon.

Tinulungan ko siyang makaalis sa lugar na 'yon at hindi ko rin tinatanggap ang pasasalamat niya sapagkat hindi naman ako mabubusog niyon. Binibiro ko lang siya ngunit heto, inaya niya ako dito sa mamahalin niyang condo upang lutuan ng pagkain.

"Welcome, babe." Pinalambing ko ang tinig ko at tumingin sa mga mata niya. Napalunok siya at naasiwang tumikhim.

Ngumiti siya saakin ng malaki. "Bakit nga ba bigla mong sinabi na gusto mo akong maging boyfriend?" Bahagya pa siyang napahalakhak.


Kitang-kita at basang-basa ko ang kapilyuhan sa likod ng mga inosente niyang mga mata at nakangiting labi. Kung ako ang tatanongin, malakas ang kutob ko na may karanasan na rin siya sa mga babae at ramdam ko rin na hilig niyang paglaruan ito.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon