Chapter 37

79 6 10
                                    

El's POV

"What did you just say?"

Nagugulat na tanong ni Diyablo ngunit hindi nakalampas sa paningin ko ang matalim nitong mga mata at pigil na inis sa tinig niya.

"I said, she's with me." Napalingon ulit ako sa likuran ko ng marinig ang isinagot ng Anak ng diyos.

She's with me... Umulit-ulit 'yon sa tainga ko.

Bumakas ang pagtataka sa mukha ko ng tignan siya, gano'n na rin kabilis ang pag-iwas ko ng tingin ng nagbaba rin ito ng paningin saakin gamit ang asul nitong mga mata.

Labis ang pagiging seryoso niya at kalmadong tono ng pananalita kaya agad akong nabahala na baka maniwala si Diyablo sa sinasabi niya gayong alam kong binibiro niya lang si Diyablo.

"You're kidding me, right?" Seryosong tanong ni Diyablo at napabalik ulit sa kaniya ang paningin ko.

Napaayos pa ito ng tindig at maangas na nagbanggaan ang paningin nilang dalawa. Ang paraan ng pagtingin ni Diyablo ay nahihimigan ang hindi kagustuhan sa nangyayari ngayon, naiinis siya at yun ang tanging nababasa ko sa mukha niya.

"Am I?" Balik tanong ng Anak ng diyos at napalingon ulit ako sa kaniya.

Anak ng----ano bang ang nangyayari sa kanila?

"Back off, Sigmund." Mariing singhal ni Diyablo. Agad itong lumapit saakin at inakbayan ako.

Sigmund...Umulit-ulit na naman sa pandinig ko ang pangalan na 'yon. Para may kung anong sirang plaka sa loob ng tainga ko at panay ang pang-uulit ng mga salitang naririnig ko. Ang anak ng diyos ay nagngangalang Sigmund...

Nanlalaki ang mga mata ko ng mag-angat ng tingin kay Diyablo ng higpitan niya ang pag-akbay saakin upang masiksik ako sa tagiliran niya. Sa minutong ito, para akong isang bagay na pagmamay-ari niya at ayaw akong ipahiram sa iba o kahit madikitan man lang.

Napatingin ako kay Sigmund ng matunog itong ngumisi sa harap namin.

"Why so serious, Linus?" Umiling-iling pa ito at maangas rin na nangamusal. "Change of heart?" Malamang tanong nito at nakangising tinignan ako.

Linus ang tunay na pangalan ni Diyablo?

Mabilis akong napa-iwas ng tingin, hindi ko akalain na mas du-doble ang angas niya ng gawin 'yon.

"Baby? What's going on?" Agad kaming napalingon sa babaeng-babae na boses na 'yon, 'yong tipong napakahinhin.

Pinasadahan ko ang kabuuan niya sa isang tinginan lang. Kulot at mahahabang buhok, matangos ang ilong at manipis ang labing kulay rosas. Nakakamangha rin ang mga mata niyang singkit, tila'y nakangiti na rin.

Sinalubong niya ang tingin ko ngunit nagtaka ako ng mapalitan iyon ng matalim. Lalo na ng makita niyang nakaakbay saakin si Diyablo.

"I said, what's going on?" Huminto ito sa harap namin, nakakunot noo siyang nakatingala kay Diyablo.

"A-Ahh..." Napaamang si Diyablo. Gulat, nangangapa at hindi alam kung ano ang sasabihin.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon