Miles's POV
He is really not febyolus right this moment!
Tinignan ko ng masamang-masama ang lalaking nasa harap ko ngayon. Yung kaninang naka-away ni Ate Nikkon ba,
He is not so feb!
Ang hudas na 'to ay wala na atang balak pang ibalik ang bag ko. Ano bang iniisip nito at hindi pa ibalik? Nasa harap niya na nga yung may-ari e.
Ano ka ba, Miles? Magnanakaw nga siya diba? Sino naman ang hangal na magnanakaw na ibabalik pa ang ninakaw niya? Isa yung malaking katokshitan!
Nakakainis ang lalaking 'to.Nakukuha niya pang isuklay ang buhok nya at umastang kalmado. Tapos ako? Puputok na sa sobrang inis!
Nagsisisigaw ang mga babae sa paligid namin at yung iba ay napapatalon pa.
Kay haharot ng mga 'to! Ang sarap gilitan sa leeg.
"What's happening here?"
Agad na umitok ang ulo sa kaliwa ko at-----
Totoo ba ito? Please tell me! Totoo ba ito!?Pagtingin ko ay saktong dumapo yun doon sa nakaaway ni Ate El kahapon, Ang kapatid ng diyablo.
Kagabi, sabi ko sa sarili ko...Kapag nagkita ulit tayo, hindi na kita papakawalan. Mukhang hindi lang ganda ang binigay saakin ni Papa G pati na rin ang basbas niya saatin. Hehehe.
"She's accusing me for stealing her freaking bag!"
Bumalik ako sa wisyo ng marinig ko boses na 'yon at dinuro pa ako.
Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kapatid ng diyablo.
At na kamo? Anong sabi niya? Freaking bag?! Ha! Hindi niya alam na yang bag ko marunong magluto at maglinis ng bahay. Huwag niyang mai-fifreaking bag yan!
"And why's that?" Tanong pa ulit nung blue eyed demon.
Ayan na naman. Puro English na naman.
Nangangalay na akong tignan silang tatlo. Masyado silang matatangkad!
Sinuri ko naman ang itsura ng dalawang lalaki na bagong dating. Yung nagtanong kanina ay nakasuot ng slim baseball collar flying jacket na navy blue ang kulay at may t-shirt na puting pangloob. Nakasuot rin ito ng itim na pantalon. Lahat ng suot niya ay bagay na bagay talaga sa kaniya ngunit ang kapansin-pansin lang e yung kulay kayumanggi niyang buhok na magulo. Magulo nga yung buhok niya pero bagay pa rin sa kaniya.Tinignan ko na man ang future ko----este yung kapatid ng diyablo.
Ayan na naman! Ayan na naman! Naka gray na t-shirt lang yan at medyo fit na na maong na pantalon---- Waaaaaaa! Hamfugifugi. Itim na itim ang buhok nya na nakabrush-up pa. Sobrang linis ng pagkakaayos. Gusto ko siyang lapitan at tanongin kung anong pangalan niya pero hindi ko iyon magagawa dahil nga sa nangyari ngayon. Psh, panira.
Nahahalata ko rin na lahat sila ay gwapo. Kaya pala lintek lang magsisitilian ng mga impaktang mga babaeng nasa paligid at nakikiususyo saamin dahil sa mga 'to.
Inalis ko muna ang imahenasyon ko sa isip ko kasama si Diyablo habang nagdi-date kami. At saka ko masamang tinignan yung lalakinh may hawak ng bag ko.
BINABASA MO ANG
The Depths Of You (ONGOING)
RomanceIka nga ng iba, ang buhay ay isang paliparan. Kung saan milyon-milyong tao ang umaalis at dumadating. Pupunta sa isang lugar upang makalimot at makapagsimula ulit ng panibagong buhay at lilisanin ang lugar na dating minahal at nakasanayan. ***** Kil...