Chapter Thirteen

100 24 9
                                    

El's POV

Lunes ng umaga.

Nagising ako sa malakas na pagpapatugtog ni Miles sa loob ng kwarto niya. Hindi pa nakuntento sapagkat malakas niya pa itong sinasabayan.

"Every time you smile, I smile
And every time you shine,
I'll shine for you!
Whoa oh, I'm feeling you baby
Don't be afraid to jump then fall, jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you,
Say that you wanna be with me too
Cuz I'ma stay through it all so jump then fall."

Oo, ikaw na ang magada ang boses kaya manahimik ka na.

"Hoy! Ano ba? Pahinaan mo nga 'yan!" Sigaw ko at malakas na tinuktok ng tatlong beses ang gawa sa kahoy na pader sa pagitan ng kwarto namin.

"Ay hala! Sorry Ate El! Nagising ba kita?" Sigaw niya sa kabila.

"Oo! Kausap mo na nga diba?"

"Leche! Sorry naman!"

Hindi ko na siya sinagot at dumiretso na lang ako sa malaking Aparador saka kinuha doon ang isang tuwalyang blue at malinis na damit pamalit. Pumasok ako ng banyo at inumpisahang maligo.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na rin ako ng banyo. Pinasadahan ko ng tingin ang bilog na may katamtamang laki ang aking orasan na nakadikit sa dingding ng makita 7:30 am na.

Pumunta ako sa aking maliit na mesa, naupo doon at hinarap ang salamin. Tinignan ko ng mabuti ang sarili. Ang mga mata ko, ang ilong at labi. Kinuha ko ang pulbos sa kaliwang bahagi ng mesa at inilagay iyon sa mukha. Nahagip naman ng mata ko ang isang lipgloss at dalawang lipstick na masyadong mapula.

Ito yung binigay saakin ni Nikkon nung nakaraang pasko. Langya ginawa pa akong kagaya niya.

Tinignan ko lang iyon ng maalalang hindi ko pa kailanman na isipang gamitin. Umiwas ako ng tingin sa mga lipstick na nakatayo ng maayos saka ko naman inabot ang suklay ko at inumpisahang magsuklay sa harap ng salamin.

Hirap na akong suklayin ang buhok ko dahil sa haba nito. Hindi kailanman pumasok sa isip ko ang magpahaba ng buhok dahil masyado itong sagabal para saakin noon. Sapagkat ngayon, e nakikipagsabayan na rin ako sa pagpapahaba kagaya ng kay Nikkon at Miles munit mas mahaba pa rin ang kanila. Nag spray rin ako ng pabango at kinuha ang isa ko pang ball cap ngunit navy blue naman ang kulay ng isang ito. Muli, tumingin pa akong ng isang beses sa salamin at inayos ang kulay itim kong jacket at binaton pataas ang maong kong pantalon. Bago makalabas ng pinto ay naupo ako sa single sofa na nasa kanang parte ng pinto saka kinuha ang kulay puting Nike ko sa gilid doon. naglagay ako ng medyas sa magkabilang paa saka isinuot ang sapatos at mabilisang isinintas.

Padarag kong kinuha ang bag ko sa sofa at mabilis na nilisan ang kwartong iyon.

"Ate! Ano ba naman to ba't sunog?!" Iritadong saad ni Miles.

"Pinagluto't lalamon ka na nga lang e magrereklamo ka pa!" Si Nikkon.

Rinig na rinig ko ang bangayan ng dalawa hanggang sa makababa ako ng hagdan at tumungo sa kusina.
Tinignan ko silang lahat at agad na hinanap si Con-con na nasa harap na rin ng hapag-kainan habang nakangiting palipat-lipat ang paningin sa dalawang magkapatid na nagsisigawan sa harap nya.

The Depths Of You (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon