PROLOGUE

8.1K 194 6
                                    

"Queens...."

Napatingin kaming apat sa TV namin nang bigla na lang magpakita ang mukha ni Gelo sa screen. Nagulat kami maliban na lang kay Yumi na mukhang inaasahan na iyon. Muntik pang maibato ni Alex 'yung hawak-hawak niyang libro dahil sa gulat.

Nakakainis naman kasi ang computer geek na 'yan. Hanggang ngayon talaga hindi ko pa din maisip kung paano niya nagagawa iyan. Was that called hacking or something? Posible ba 'yun?

"Sa susunod nga, tumawag ka na lang sa cellphone para hindi kami nagugulat!" singhal ni Kiana at natawa naman si Gelo.

"Hindi pa rin ba kayo sanay?" nang-aasar na tanong niya pa.

Sa tuwing may sasabihin kasi si Gelo sa amin, hindi siya gumagamit ng phone. Instead, he'll make his face appear in the television. O kaya naman sa mga computer dito. Atsaka sino ba namang hindi magugulat kung nanonood kami ng teleserye tapos may lilitaw na mukhang tsunggo?

"Ikaw? Gusto mo bang masanay sa pagkabugbog ng katawan?" tanong ni Alex at nginisian pa siya.

Tumango ako at ngumisi din. "Oo nga! Exciting iyon."

Pero imbes na matakot, tumawa lang siya. Hindi naman 'yan natatakot sa amin eh. Syempre hindi namin pwedeng totohanin ang mga sinasabi namin. Mang-aasar pa nga sana ang asungot kaso nagsalita na ang kanina pa tahimik na lagi naman na si Yumi.

"Enough. What do you need?"

Nanahimik na lang kami ni Alex. Magsasalita na sana si Gelo pero napatingin kami kay Kiana nang mapansing parang nagbibilang siya. Ginagawa nito?

"Uy! Five words 'yun, Yumi!" sambit niya at pinakita pa ang kamay niya. "Improving ka ah!"

Natawa na lang kami nila Alex at Gelo sa sinabi niya. Yumi is a quite person at kulang na lang mapanis iyong laway niya dahil sa sobrang tahimik niya.

"Shut up," inis na sabi niya na kinatahimik na namin.

Nagpigil naman kami ng tawa ni Alex dahil may sinesenyes si Kiana sa daliri niya. Dalawang daliri na mukhang binilang niya din pati 'yung pagsabi ng 'shut up' ni Yumi.

Hayst. Nababaliw na naman 'tong pinsan ko.

"Okay. Tama na muna ang asaran dahil may kailangan pa kayong asikasuhin."

Sumeryoso kaming apat nang marinig ang sinabi ni Gelo. Siguradong mapapalaban na naman kami.

"We spotted some gangsters na dumaan sa Callejo street malapit sa isang eskinita. Alam niyo naman 'yung lugar na 'yun 'di ba?" We nodded. "Sa dulo no'n, there's a public market. But before they can reach the market, they need to go through a street which is a territory of an another gang. A gang fight started and since it's near to a market, many innocent lives—"

Bago pa man din matapos ni Gelo ang sasabihin niya, tumayo na kaming apat na mukhang inaasahan na niya. Pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto sa taas ng bahay.

Mabilis kaming naghanda. Kinuha namin ang mga weapons namin at nagsuot ng maskara. Since our identities should stay hidden, nagsusuot kami ng mga half-masks to protect ourselves. Pero parang coding din para hindi kami malito.

Pink for me, red for Alex, green for Yumi, and black for Kiana. And once na nakasuot na kami ng mga maskara, hindi na lang kami basta-bastang mga babae.

We become the queens of the Underground City. And one of our priorities is to stop gang fights in order to protect innocent people.

Bumaba na kami at pumunta sa garahe namin. Dito nakaparada lahat ng mga babies ko at mga kotse ni Kiana.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon