Alex's POV
"Welcome to Japan!" masiglang sabi ni Stephen habang ngiting-ngiti.
Nakataas pa ang dalawang kamay niya na para bang dinadama ang lamig ng hangin dito sa Japan. Umikot-ikot pa siya na parang bata kaya natawa sila Kaye.
Napangiti naman ako. Madalas na nakakainis ang gago na 'to pero nakakatawa siya kapag umaasta siya nang ganyan. Maybe because he's cute? Oo na. Minsan lang naman.
Napatingin naman ako kay Kiana dahil mahina niyang siniko ang tagiliran ko.
"Nakita ko 'yun ha. Kunwari naiinis daw siya. Ngumingiti naman," nang-aasar niyang sabi.
Sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko. Buti na lang at hindi kami naririnig no'ng iba dahil nasa likod kami habang hinihintay ang sasakyan na maghahatid sa amin sa mansion nila Gago dito sa Japan.
Ngumisi naman ako. "Mukha kasi siyang bading."
"Palusot."
Napanganga naman ako. "Hoy. Totoo kaya 'yu–"
I wasn't able to finish my sentence because she suddenly dragged me.
"Tara na!" masiglang sabi niya din.
Doon ko lang napansin na dumating ang tatlong limousine. Pumarada iyon sa harapan namin. Because of the sight of these luxurious limousines, many people looked at us. Siguro iniisip ng mga 'to na sobrang yaman namin dahil sa mga bonggang sasakyan na 'to.
Dahil tatlong limousine iyon, naghiwa-hiwalay kami. Sa isang sasakyan, kaming apat nila Yumi, Kiana at Kaye. Sa isa naman ang Kings at iyong huli kina Gelo, Draven at Chino.
Pagkatapos naming mailagay iyong mga gamit namin sa sasakyan, sumakay na kami nila Yumi sa pinakagitnang limousine.
"Ang yaman naman nila Stephen," Kaye said while roaming her eyes around.
Nagkibit-balikat lang naman kami. Lahat naman kami mayaman. Even Draven and Gelo are rich. Ang kaso lang, mas mayaman lang kami dahil sa amin din naman nanggaling ang mga pera nila. Si Chino naman, mayaman na talaga ang pamilya niya. His family is a family of professional doctors.
Hindi na nakakapagtakang siya ang pinili ng Gehenna para sumama sa amin. Ang sabi niya kasi, ang main role niya ay maging healer namin. Syempre hindi na kami pwede sa mga hospital para magpagamot dahil baka mangyari na naman 'yung nangyari last week. So as long as he's here, we no longer have to go to a hospital.
At paano ko nalaman? Well, we had some chitchats. Wala naman talaga akong balak na i-entertain siya dahil aware naman akong may crush 'yun saakin. Natutuwa lang talaga ako sa reaksyon ni Stephen. Ewan ko ba doon at parang palaging may period. Daig pa ang babae sa pagkakaroon ng mood swings.
We all felt that the vehicle stopped. Siguro nandito na kami sa bahay ng lalaking 'yun dahil binuksan na din ng chauffeur ang pinto. Lumabas naman kaming apat at napatitig sa isang malaking mansion na nasa harapan namin.
"Welcome back to me."
We heard what Kiana whispered and slightly chuckled.
Yumi rolled her eyes. "Tsk."
Tumawa lang si Kiana. Nagkatinginan naman kami ni Kaye at nagkibit balikat na lang. Welcome back talaga. Demonyong magnanakaw.
Pumasok naman kami sa loob at hindi naman maiwasang mapanganga nila Draven at kasama na din kami ni Kaye. Napansin ko namang napapalunok na lang si Gelo. Oh, I forgot. Kasabwat nga pala 'to ng demonyo noong nilooban nila ang bahay na 'to. Kabadong-kabado na siguro ang isang 'to na tipong malapit nang maihi sa pantalon niya.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...