Kaye's POV
Nag-park kami kaagad sa parking lot pagkadating namin sa GCU. Pumasok na kami and as usual, tinginan kaagad sila. Ang hirap talaga kapag maganda ka eh.
Naglakad na kami papunta sa classroom namin. May ilang minuto pa naman bago mag-time. Buti nga at hindi kami nale-late kahit ang late namin natutulog o kahit hindi na kami nakakatulog.
Kung bakit ba kasi mas madami ng gang fights ang nangyayari ngayon. Kaunti na lang talaga at iisipin ko nang nananadya sila.
Ang hirap kaya na lumalaban sa gabi tapos estudyante sa umaga. Dala-dalawa ang ginagawa namin pagkatapos puyat ka pa. Buti na lang talaga at si Gelo ang gumagawa ng mga projects at assignments namin kung hindi, baka bumagsak na kami.
It's not like we need to pass anyway.
Umupo na kami sa mga upuan namin sa likod. Agad na sinubsob ni Kiana ang mukha niya sa desk at parang gusto pang matulog. Hinayaan ko lang. Tahimik 'yan simula nang dumating siya sa bahay kagabi dahil iniwan namin siya doon. Mukhang hindi naman siya galit pero mukhang may iniisip siya.
Ano kayang nangyari? Para kasing ang lalim ng iniisip ng dumating sa bahay. Nagtanong kami pero hindi kami sinagot at dumiretso lang sa kwarto niya. Alex and I just shrugged. Snob si bruha.
My thoughts were cut off nang bigla na lang naming narinig ang daing ni Yumi. Nang tumingin kami sa kanya, nakita naming nakahawak siya sa right shoulder niya.
"Naku! Sorry! Sorry! H-hindi ko sinasadya!"
Napatingin naman kami sa isa sa mga kaklase naming babae na mukhang kapapasok lang. I don't know what happened pero base sa librong nasa sahig, mukhang libro iyon ng babaeng ito na tumama sa balikat ni Yumi.
Of all parts of her body, bakit sa balikat pa?
"Careless," sabi ni Yumi habang matalim ang titig sa babaeng iyon.
Nakaramdam naman ako ng inis at mukhang gano'n din si Alex. Tatayo pa nga sana ako para pagsabihan iyong babae pero nagsalita na si Kiana.
"Ayos lang."
Nagpasalamat lang 'yung babae at umupo sa upuan niya sa bandang unahan. Wala naman kaming nagawang tatlo kung hindi samaan na lang ng tingin iyong babae.
Psh. Kung ako si Yumi, hinding-hindi ako magpipigil at uupakan ko 'yon.
"Yumi, you okay?" tanong ni Kiana and we looked at Yumi.
She just nodded. Tumingin kami sa balikat niya at nakahinga nang maluwag nang makitang wala namang dugo. Sumubsob naman ulit si Kiana sa upuan niya habang nagkibit balikat na lang kami at bumuntong hininga.
Well, hindi niyo naman kami masisisi kung ganito kami umasta dahil kagabi, nabaril si Yumi sa right shoulder niya. But thankfully, nagamot iyon kaagad at napigilan nila ang gang fight na nangyari.
Muntik pa nga naming masuntok ni Alex si Gelo dahil hinayaan nilang masaktan siya. But Yumi insisted that she's fine while Kiana just stayed silent all night.
But something was weird last night. Sa kalagitnaan daw kasi ng gang fight, isang gang na naman daw ang sumulpot at para bang sinasadya ng mga ito ang pumatay ng mga civilian. Not until Yumi showed up.
Aside from being Queenie or Gangster Queen, she's also known as the Gangster Princess because she's the heiress of the most powerful gang. Hindi na nakapagtatakang natakot din sila sa kanya.
At kagaya noong araw sa HP kung saan nagpakita ang isang ruffian, pakiramdam din daw ni Yumi ay mayroong mali kagabi. Wala namang sinabi si Kiana at para ngang may ibang bagay ang nasa isip niya.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...