Kaye's POV
"Okay lang kayang iniwan natin 'yon? Baka magulat na lang tayo at nagpakamatay na pala siya," sabi ni Alex at nabatukan ko siya.
"Noon nga hindi niya ginawa iyon, ngayon pa kaya?"
She glared at me pero inirapan ko lang siya. Tumingin siya kay Yumi kaya napatingin na din ako sa kanya. Hindi naman niya kami pinansin kaya napairap kami nang sabay.
Kahit kailan talaga ay walang pakialam ito sa mundo.
Nagpatuloy kami sa paglalakad na tatlo sa hallway ng school while ignoring the stares of the students. Ang ganda ko talaga. Pati mga babae naglalaway eh.
At ang pinag-uusapan namin kanina? Si Kiana. Pagkauwi kasi namin sa bahay ay naabutan namin siyang nakahiga na sa kama niya. Pero nagulat kami nang makitang may bahid ng dugo sa bedsheet niya. Of course we felt nervous kasi akala namin may ginawa siyang masama sa sarili niya. Matataranta na sana kami no'n nang bigla na lang bumangon si Kiana at nagreklamo na ang sakit daw ng puson niya. Doon namin na-realize na natagusan lang pala siya kaya may dugo sa kama niya!
We nearly killed her last night dahil doon. Akala namin nag-suicide na dahil sa tindi ng galit. Ghad. At hindi na din siya pumasok ngayon dahil ang sama daw ng pakiramdam niya. Nagbanta pa siya na kung sino man daw ang nag-imbento ng menstruation ay papatayin niya daw. Sobra-sobra na daw kasi ang pasakit ng mga babae. At madami pa siyang sinabi na hindi na namin pinakinggan.
Natatawa na lang tuloy ako sa tuwing naaalala ko 'yung eksena kagabi at kanina. But somehow, thankful kami na hindi siya nag-react masyado sa mga narinig namin kagabi. But who knows? She may only hiding it inside.
Napabuntong hininga na lang ako as we went inside our room. Awtomatiko namang napunta sa amin kaagad ang atensyon. Buti na lang talaga at sanay kami sa atensyon dahil kung hindi ay baka nadukot ko na mga eyeballs nila.
Pero ang hindi namin inaasahan ay makita ang tatlong lalaki na nakaupo sa mga upuan namin. Sino pa ba? Edi 'yung mga gago na naman. Nakakainis talaga ang mga 'to.
Nakita namin sila kagabi tapos ngayon na naman? Seryoso? Ano bang kamalasan 'to? Fine. Gwapo naman sila pero sobrang nakakainis.
"Move."
Napalingon kaagad sila sa amin nang magsalita si Yumi. I noticed that there are only three of them dahil wala si Black. Muntik pa akong mapangisi nang maalalang wala din si Kiana at isiping destiny 'yon kung hindi ko lang nakita ang ngisi ni Mr. Brown Boy.
"Uy! Kayo pala!" nakangising sabi ni Stephen.
"Umalis nga kayo d'yan. Upuan namin 'yan," sabi ni Alex.
Two of them laughed habang ngumisi lang si Ethan.
"Talaga? Bakit wala naman kayong pangalan dito?"
Napairap naman ako sa sinabi ng gago na Giovanni na 'to at mukhang tanga pa niyang tinignan-tignan ang sulok ng upuan ko. At oo! Upuan ko ang inuupuan niya!
"Kailangan pa ba 'yon? Atsaka ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ko.
Pero sana hindi ko na lang tinanong dahil hindi ko talaga nagustuhan ang naging sagot. Bakit nga ba nakalimutan namin ang tungkol doon?
"This is our classroom," sabi ni Ethan.
"And that's our chairs," sabi naman ni Yumi.
Tumango kaagad kami ni Alex at taas-noo silang tinignan. These guys don't really know how to respect us kahit na aware silang mas mataas kami sa kanila. Hindi lang dito kung hindi pati sa UC. Bwiset.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...