Deadly 47: Trespasser

747 50 1
                                    

Alex's POV

"Anong kailangan niyo sa akin?"

Napatingin kaming apat sa monitor nang magpakita ang mukha ni Gwen. Whoa. Paano niya kaya nalaman na nandito kami sa base ngayon?

"Wait, bakit d'yan ka nagpakita at hindi sa TV," tanong ni Kaye

Medyo natawa si Gwen kaya napakunot noo kami. What's funny?

"Alam ko kasing dito kayo nag-uusap kapag may mga plano kayo. So instead on TV, dito na lang."

Napatango-tango na lang kami sa sinabi niya dahil totoo din naman 'yon. Katulad din kasi 'to ni Gelo minsan, bigla-bigla na lang magpapakita sa TV. The only difference is, she only do that when we called for her. Like now, katatawag lang ni Kaye sa kanya ngayon.

"May ipapagawa kami sayo," sabi ko at tumango siya.

"What is it?"

"Alex sent you a picture of a man and little informations, right?" Yumi asked and she nodded again.

"Si Francisco Villareal 'yon, at gusto naming manmanan mo siya. Sundan mo siya kung saan siya pumupunta at kung anong mga ginagawa niya," sabi ni Kaye.

Natahimik saglit si Gwen. Mukhang pinag-iisipan niya pa kung susundin niya kami o hindi.

Nanatili namang tahimik lang si Kiana habang nakatingin sa amin. Hindi pa din talaga ako makapaniwala na nagawa niyang magnakaw sa mansion ng gago na 'yun. But we can't also move forward if she didn't do that. Nagbakasakali lang daw siya na baka may makuha siya doon at may nakuha nga siya.

But if you'll think about it, we can't use that to prove that the Kings are connected to DO. Pero alam kong meron pang makukuhang alas si Kiana sa mga susunod na araw.

"Pwede ko ba itong ipaalam muna kay Sir Karlo?"

Napatingin ako kaagad kay Gwen nang magtanong siya.

"Bakit naman kailangan mo pa itong ipaalam kay Daddy? He doesn't need to know about this," sabi ni Kaye.

"But I know the Villareals, Kaye. Isa sila sa mga malalaking kompanya ngayon sa mundo at once na mahuli nila akong sumusunod sa President nila, they might hunt me down and your dad will surely know about that. Lagot ako sa Daddy mo!" sabi ni Gwen.

Napailing-iling ako. May point din naman siya doon. Kung General talaga ang lalaking 'yon, siguradong madaming nagbabantay sa kanya at manganganib din si Gwen. But it looks like she's more afraid of being caught by Tito Karlo than the Villareals.

"Akong bahala kay Daddy kapag may ginawa siya sayo. We just need you para gawin din ito para sa amin," sabi ni Kaye at natahimik din si Gwen.

Sa lahat ng taong kilala namin, Gwen is the most perfect person for this job. Kung pagmamanman sa isang tao ang usapan, si Gwen kaagad ang maiisip namin. Mabilis din kasi siyang gumalaw kagaya ni Kaye at para siyang ninja na nagtatago sa dilim. Isa siya sa mga assassins ng Gehenna at kayang-kaya niyang pumatay nang walang nakakapansin. It means, kaya niya ding sundan ang isang tao nang walang nakakapansin. We just need to convince her not to tell this to anyone. Dahil siguradong kapag nalaman ito ng mga magulang namin, lagot kami. Because this time, talagang binabangga na namin ang DO, ang pinakamakapangyarihang organization sa ngayon.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon