Deadly 51: Hacking Master

763 46 1
                                    

Alex's POV

"Seriously?!"

Pagkababa ko pa lang ng hagdan, bumungad na kaagad sa akin ang nakakunot noong si Yumi at tatawa-tawang si Kiana.

"Umagang-umaga high blood ka na naman yata?" tanong ko at umupo sa isang sofa.

Napansin ko naman ang isang travelling bag sa center table na punong-puno ng iba't ibang pagkain. May junk foods, biscuits at meron pa ngang saging.

"Para saan naman 'yan?" tanong ko at ngumiti si Kiana.

"Baon ko papuntang probinsya," sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Isang travelling bag ang baon niyang pagkain?

"Seryoso?!"

Natawa ulit si Kiana at tinignan kami ni Yumi na hanggang ngayon, nakakunot pa din ang noo.

"Alam niyo? Ang OA niyong dalawa. Hindi naman mauubos 'yung pagkain sa kusina kung kukunin ko ito. At isa pa, mauubos ko itong lahat. Kulang pa nga eh," paliwanag ni Kiana.

Tatawa-tawa pa siya kaya napailing-iling na lang kami. Kulang pa 'yon? Puta. Tao pa ba 'tong isang 'to?

"Good morning!"

Napalingon naman kami sa hagdan kung saan namin nakita si Kaye na pababa habang naka-pajama pa. Kumunot naman ang noo niya nang mapansin ang mga expression namin.

"Ang sama ng mga mukha niyo, ah? Dapat ba bad morning ang bati ko?"

Napailing-iling na lang talaga kami ni Yumi.

"You two are really a headache," sabi ni Yumi at nagmartsa papuntang kusina.

Nagkibit balikat na lang kami at sumunod sa kanya. Napangisi ako nang makitang may nakahanda ng umagahan para sa aming apat.

"Sino nagluto?"

"Me," sagot ni Yumi.

"Hindi nga?!" Kaye and I asked in chorus.

"Naku, Yumi! Nilalagnat ka yata!" sabi naman ni Kiana. 

Yumi just rolled her eyes. "Shut up. Let's eat."

Hindi na kami nag-inarte pa at kaagad na umupo. We started eating while praising her cooking skills because of the delicious foods. Madalas naman kasi niyang tulungan si Kaye sa pagluluto pero minsan lang siya magluto nang siya lang.

"Kiana, how long will you stay there?"

Napatingin naman kami kay Kiana dahil sa tanong ni Yumi. Maybe she's pertaining to the province.

"Baka two to three days," sagot naman ng demonyita habang ngumunguya.

Kumunot naman ang noo ko. Bakit ang tagal naman yata? At isa pa, ano ba talagang gagawin niya doon? Hindi niya kasi sinabi ang dahilan sa amin at hindi na din kami nagpumilit na malaman pa. Noong mga nakaraang linggo, nagiging secretive na siya. Pero kahit gano'n, may tiwala pa din kami sa kanya. Including Yumi, I have this feeling na may alam siya sa mga pinaggagagawa ni Kiana pero hindi niya din iyon sinasabi sa amin. Sa kanilang dalawa lamang iyon. But despite of that, we still trust them. We don't know what exactly is going on in their minds but we trust them. We just need to trust them.

"Bakit ang tagal? Siguro manlalalaki ka, ano?" tanong ni Kaye na may kasama pang bahagyang pagsanggi sa balikat ni Kiana.

Natawa naman ako. "Walang lalapit d'yan. Kasi hindi ka pa man din nakakalapit, bali na buto mo. Amazona 'yan eh."

Sinamaan ako ng tingin ni Kiana samantalang napangisi si Yumi.

"Pasalamat ka may pagkain ha," sabi ni Kiana at sumubo na naman ng isang kutsara na punong-puno ng pagkain.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon