Deadly 13: Paying A Visit

1.2K 61 1
                                    

Kaye's POV

"Their company is starting to fall down. After what happened, madaming investors na ang nag-pull out ng investements nila sa Vancar Corp at umatras sa mga patnership nila," Gelo said and we nodded. "It's been days but why are you still not killing him? Akala ko ba isusunod niyo siya?"

"There will be a right time to kill him. Kung bumabagsak na siya ngayon, there is a possibility na tutulungan siya ng Ruffians or maybe sila na din ang tumapos sa kanya," sambit ko at napatango-tango naman si Gelo.

We decided to just let Ariel Vancar go. Wala namang ebidensya o kahit anong bagay ang nagtuturo na may kaugnayan siya sa MR. Maliban na lang sa fact na uncle siya ni Scarlett. Aside from that ay wala na.

At first, inisip naming sa kanya na lang gawin ang unang plano namin kay Scarlett. Ask infos about MR then kill him after. Pero sinabi ni Kiana na huwag na naming ituloy dahil wala din kaming makukuhang kahit ano sa kanya. Syempre nagtaka kami kung paano niya nasabi iyon but Yumi immediately seconded what she said.

Because there's a higher chance that Ariel Vancar has a connection to DO than the fact that he's also a member of MR. Kung gagalawin namin siya, para na din kaming nagdeklara ng war sa Dark Organization.

Malaking risk na nga ang ginawa naming pagpatay kay Scarlett Vancar. Pero dahil siya ang naunang sumugod sa amin sa HP, it was considerable naman na gaganti kami. Isa iyon sa rules ng DO.

Hindi mo pwedeng banggain ang kahit na sino sa kanila not unless sila ang nauna. Nauna si Scarlett Vancar kaya walang ginawa ang DO laban sa amin. Pero kung gagalawin namin si Ariel Vancar and it turned out na DO member nga siya, baka iyon ang hindi nila palagpasin.

But well, hindi naman kami takot sa kanila. Wala lang talaga kaming oras na pwedeng sayangin sa DO lalo pa't hindi naman sila ang target namin sila no'ng una. Sana lang hindi sila makisawsaw sa laban ng iba.

Pagkatapos naming kumain ng dinner, pumunta ulit kami sa sala. We did our usual things. Ganito naman kami lagi. Sa dami kasi ng nangyayari, kailangan namin ng oras sa isang araw kung saan nandito lang kami at gagawin ang gusto namin.

Like, duh? Hindi naman pwedeng puro na lang kami trabaho. Kailangan din naming huminga.

"Puntahan kaya natin si Ariel Vancar?"

We all looked at Alex nang magtanong siya. Napakunot noo ako at in-off na 'yung TV bago tumingin ulit sa kanya.

"At bakit naman?"

"Wala lang. Bisitahin lang natin siya."

Napataas ang kilay ko. "Bakit? May sakit ba siya?"

Alex rolled her eyes nang sabihin ko iyon. Kapal naman ng babaeng 'to na irapan ako. Psh.

"It's still Scarlett Vancar's funeral," sabi ni Yumi. "I'm sure he's there, mourning for his deceased niece."

"Then we can go there to say our condolences," sabi ni Alex.

"Kailan ka pa nakakita ng mga taong nakikiramay sa mga pinatay nila?"

"Never. Kaya nga iyon ang gagawin natin. Hindi ba exciting iyon?"

Napairap ako sa sinabi niya pero napaisip din. If you'll think about it, exciting nga 'yon.

I nodded. "Fine. Pero pupunta ba talaga tayo? Hindi ba't hindi natin siya pwedeng galawin dahil sa DO?"

"Expressing our condolences doesn't mean we're going to touch him," sabi ni Yumi.

"So, pupunta nga tayo?" tanong naman ni Alex.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon