Deadly 67: General 3

782 41 10
                                    

Alex's POV

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa Kings na kung tignan si Draven, parang pinapatay na nila ito sa isipan nila. Samantalang si Draven, nakikipagtawanan na kay nila Kaye.

"Ibigsabihin dito siya titira kasama niyo?"

We all looked at Giovanni when he asked. Tumango si Draven samantalang napairap naman si Kaye.

"Alam mo bang 'yan na ang ika-limang beses na tinanong mo 'yan?"

I almost laughed when Kaye said that. Hindi na ako nagtaka na nagawa niyang mabilang kung ilang beses nang nagtanong si Giovanni. Natawa lang ako dahil sumama kaagad ang timpla ng mukha ng lalaking 'to.

"Really? Bakit kailangan dito siya tumira?" biglang tanong naman ni Stephen.

Pero kaagad na nawala ang ngiti ko dahil kanina pa ako nabwibwisit sa gago na 'to. Kulang na lang ipagsigawan niya sa mundo na asawa niya ako. Pero biglang tumahimik nang dumating si Lolo Miguel at sinabing titira kasama namin si Draven. Pagkaalis ni Lolo kanina, tahimik pa din pero parang sinasakal na niya si Draven sa mga tingin niya.

Ano bang problema ng Kings?

"Mr. Montefalco sent me here to help the Queens. Isa sa mga kailangan kong gawin ay panatilihing ligtas silang apat at mas magagawa ko ang trabaho ko kapag kasama ko sila 24 hours," sagot naman ni Draven.

Nagkibit balikat na lang kami nila Yumi. Wala namang problema sa amin 'yon dahil unang-una, utos iyon ni Lolo Miguel at hindi kami pwedeng tumanggi.

"Ikaw tinatanong ko—"

Before Stephen could even finish his sentence, binato ko na siya ng isang throw pillow at sapol siya sa mukha. Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin.

Tumaas ang kilay ko. "Umayos ka. Nandito siya para protektahan kami, and we'll do the same. At isa pa, ano bang problema niyo kung dito siya titira?"

Nakita ko pang inirapan ako ni Stephen kaya pinigilan ko kaagad ang sarili ko na sakalin siya at itapon palabas. Lintek na walanghiya 'to.

"We'll also stay here if that's the case," biglang sabi ni Ethan.

Nanlaki ang mga mata ko, napaawang ang labi ni Kaye at napaangat ang ulo ni Yumi mula sa pagbabasa ng isang libro.

"What are you talking about?" Yumi asked.

Ethan shrugged. "Hindi ba at kasama na din kami sa team niyo? Isa 'yan sa mga punishments niyo. So, kung dito titira si Draven, edi pwede din kaming tumira dito."

"Ha! Tama!" biglang sabi ni Stephen at tumingin kay Draven mula ulo hanggang paa sabay irap.

Kumunot lang ang noo ko sa inaakto ng bading na 'to. Ano ba talagang problema niya?

"Hindi kayo pwedeng tumira dito nang gano'n gano'n na lang," sabi naman ni Kaye.

Napakunot noo ako dahil hindi ko alam kung bakit biglang namula ang pisngi ni Kaye. Then I mentally laughed. Mukhang may nai-imagine ang kapatid kong 'to, ah?

"Kailangan niyo munang humingi ng permiso mula sa mga magulang nila," sabi naman ni Draven kaya tumango ako.

Ngumisi pa ako kay Stephen kaya umirap siya ulit. Tumawa lang ako nang bahagya dahil para talaga siyang bading.

Napatingin naman kami kay Yumi nang mag-ring ang phone niya. She answered the phone and just stayed where she is. Hindi din naman namin maririnig dahil hindi naka-speaker mode.

"Really?"

Tumaas pa ang kilay niya kaya bigla akong naging interesado kung ano 'yon at kung sino ang tumawag. Pero bigla siyang ngumisi at tumango-tango.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon