Kaye's POV
Hindi ko mapigilang mapangiti habang bumabyahe kami papuntang airport. After five months, babalik na ulit si Kiana. Hindi namin inaasahan na gano'n siya kabilis na makakalakad ulit. Sinabi niya kasi sa amin noon na pwedeng abutin siya ng taon sa abroad. But it looks like, ginawa niya ang lahat para mapabilis ang recovery ng mga binti niya.
"Bilisan mo nga! Kapag tayo nakarating doon na nandoon na sila Kiana, papatayin talaga kita." Sabi ni Alex kay Stephen habang nagda-drive siya. Nakaupo si Alex sa shotgun seat ng van habang nasa second seat kami ni Yumi at sila Ethan at Giovanni naman sa likuran namin. Kami kasi ang inatasang sumundo sa kanila habang naghihintay ang iba sa Montefalco mansion. Lahat kami excited dahil hindi lang naman si Kiana ang babalik kung hindi pati si Black. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung may improvement ba sa kanilang dalawa. Sila na kaya? Shet. Kinikilig ako.
"Kung hindi lang kita mahal baka..."
"Baka? Ano? Ituloy mo!"
"Shut up the both of you. I'm already having goosebumps." Pagsingit ni Yumi sa usapan nila Stephen at Alex kaya napatingin kami sa kanya.
"KJ ka talaga." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at tumingin lang sa labas.
Panira talaga ito. Kinikilig nga din ako kay nila Stephen at Alex pero feeling bitter ako para kay Yumi. Palibhasa, wala pa ding lovelife. Ang bagal naman kasi ni Ethan. Kailan kaya magpaparamdan 'to? Or should I say, kailan kaya mararamdaman ni Yumi?
Hininto ni Stephen ang van at kaagad kaming lumabas. Naglakad kaagad kami papasok at napansin ko ang ilang taong napapatingin sa amin. May ilang mga taong naka-uniform din ang bumati sa amin at nagpakilala bilang employees dito. Dinala nila kami sa arriving area.
"Anong oras sila dadating?" Biglang tanong ni Giovanni na sinagot naman ni Ethan.
"Six o'clock in the evening."
"Nakalapag na po ang eroplano mga five minutes ago. Sigurong papunta na po sila dito." Sabi ng isang lalaki na isa sa mga sumalubong sa amin kanina. I wonder, may susunduin lang naman kami pero mukhang humingi pa ng assistance si daddy.
After some minutes, nakita na namin ang dalawang taong naglalakad papasok. Natigilan kami habang pinagmamasdan sila Black at Kiana. Pareho silang tumangkad ng kaunti. Humaba din ang buhok ni Kiana at parehong mas naging attractive ang features ng mga mukha nila. Walang masyadong pagbabago sa itsura nila pero mas natuon ang atensyon namin kay Kiana lalo na ng makita naming naglalakad siya.
Halos pare-pareho kaming nakahinga ng maluwag at nakaramdam ng kakaibang saya habang nakikita siya sa lagay na 'yan. Dahil noong huli namin siyang nakita, nakaupo siya sa wheelchair at limitado lang ang mga galaw. Maging ang lakas niya at kaalaman sa pakikipaglaban ay naapektuhan.
But now, she looks very fine.
"Kiana! Black!" I shouted at kumaway naman sila Alex. Napatingin silang dalawa sa direksyon namin at nakita namin ang paglitaw ng malawak na ngiti sa labi ni Kiana habang wala namang halos reaksyon si Black. Sabi ko na eh. Wala talagang pagbabago sa ugali ng yelo na 'to.
Naglakad sila palapit sa amin habang tulak-tulak ni Black ang cart kung nasaan ang mga bagahe nila. They people who welcomed us bowed their heads as a sign of welcoming and respect.
"Woah! Gwapo natin ah?" Narinig naming sabi ni Stephen at mukhang si Black ang kinakausap niya. Imbes na pansinin sila ay niyakap ko na lang ang pinsan ko at gano'n din si Alex. While Yumi just smiled and tapped her right shoulder.
"Talagang kompleto kayo ah?" Natatawang tanong ni Kiana pagkatapos naming kumalas.
"Bakit? Ayaw mo?" Tanong ni Alex at nagkibit-balikat lang siya.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...